Mabuting
Balita: Lucas
14:15-24
15 Sinabi kay Jesus ng isa sa mga inanyayahan: “Mapalad ang
makakasalo sa bangkete ng kaha-rian ng Diyos!” 16 Sumagot si Jesus: “May
isang taong naghanda ng isang malaking bangkete at marami siyang kinumbida. 17 Sa
oras ng handaan, pinapunta niya ang kanyang katulong para sabihin sa mga
imbitado: ‘Tayo na’t handa na ang lahat.’ 18 Ngunit parang sabay-sabay
namang nagdahilan ang lahat. Sinabi ng una: ‘Bumili ako ng bukid at kailangan
kong pumunta para tingnan iyon. Pasensya ka na.’ 19 Sinabi naman ng isa:
‘Bumili ako ng limang pares na bakang pang-araro at pasusubukan ko ang mga
ito. Pasensya ka na’ 20 Sinabi ng isa pa: ‘Bagong kasal ako kaya hindi
ako makakapunta.’
21 Pagbalik ng katulong, ibinalita niya ang lahat ng ito sa kanyang
panginoon. Galit na galit ang maysambahayan at sinabi sa kanyang katulong:
‘Pumunta ka agad sa mga liwasan at mga lansangan ng lunsod, at papasukin mo
rito ang mga dukha, mga bale-wala, mga bulag at mga pilay.’
22 At pagkatapos ay sinabi ng katulong: ‘Nagawa na ang ipinag-utos
mo at may lugar pa rin.’ 23 Sumagot sa kanya ang panginoon: ‘Lumabas ka
sa mga daan at mga bakuran at pilitin mong pumasok ang mga tao para mapuno ang
bahay ko. 24 Sapagkat sinasabi ko sa inyo: walang sinuman sa mga ginoong
iyon na kinum-bida ko ang makatitikim ng aking handa’.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment