Mabuting Balita: Mateo 24:37-44
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa
kanyang mga alagad 37 Katulad ng nangyari sa panahon ni Noe, gayundin sa
pagdating ng Anak ng Tao. 38 Noong mga araw na iyon bago dumating ang
Baha, kumakain at umiinom ang mga tao at nag-aasawa, hanggang sa araw na
pumasok si Noe sa daong.
39 Ngunit wala silang alam
hanggang dumating ang baha at tinangay silang lahat. Ganoon din sa pagdating
ng Anak ng Tao. 40 Sa dalawang lalaking nasa bukid, kukunin ang isa at
iiwan ang isa. 41 Sa dalawang babaeng gumigiling ng trigo, kukunin ang isa
at iiwan ang isa.
42 Kaya magbantay kayo sapagkat
hindi ninyo alam ang araw ng pagdating ng inyong Panginoon. 43 Isipin
ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi darating ang
magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya pababayaang pasukin ang bahay.
44 Kaya maging handa kayo sapagkat sa oras na hindi ninyo inaasahan
darating ang Anak ng Tao.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment