Mabuting
Balita: Lucas 13:22-30
22 Dumaan si Jesus sa mga lunsod at mga nayon, na nagangaral habang
papunta siya sa Jerusalem. 23 May nagtanong sa kanya: “Panginoon, kakaunti
nga ba ang maliligtas?” At sinabi ni Jesus sa mga tao: 24 “Magpumilit kayong
pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo: marami ang gustong
pumasok at di makapapasok. 25 Kapag tumindig na ang may-ari ng bahay at
naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing ‘Panginoon,
buksan mo kami.’ Sasagot naman siya sa inyo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan
kayo.’
26 Kaya sasabihin ninyo: ‘Kami ang kumain at uminom na kasalo mo,
at sa aming mga lansangan ka nangaral.’ 27 Pero sasagutin niya kayo:
‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo. Lumayo
sa akin, kayong mga gumagawa ng masama.’ 28 Naroon ang iyakan at pag-ngangalit
ng mga ngipin pagkakita ninyo kina Abraham, Isaac, Jacob at sa lahat ng propeta
sa kaharian ng Diyos, at ipagtatabuyan naman kayo sa labas. 29 At makikisalo
naman sa Kaharian ng Diyos ang mga darating mula sa silangan, kanluran, timog
at hilaga. 30 Oo, may mga huli ngayon na mauuna at may mga una na mahuhuli.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment