Mabuting
Balita: Lucas 12:35-38
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 35 Maghintay kayong bihis at
handang maglingkod, na may nakasinding mga lampara. 36 Maging tulad kayo
ng mga taong naghihintay sa kanilang panginoon. Pauwi siya mula sa kasalan at
agad nilang mabubuksan ang pinto pag dating niya at pag katok. 37 Mapalad
ang mga lingkod na iyon na matatagpuang naghihintay sa panginoon pagdating
niya. Maniwala kayo sa akin, isusuot niya ang damit pantrabaho at pauupuin
sila sa hapag at isa-isa silang pagsisilbihan. 38 Dumating man siya sa
hatinggabi o sa madaling-araw at matagpuan niya silang ganito, mapalad ang
mga iyon!
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment