Mabuting
Balita: Mateo
5:1-12a
1 Nang makita ni
Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa
kanya ang kanyang mga alagad.
2 At nagsimula
siyang magturo sa kanila:
3 “Mapapalad ang
mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit.
4 Mapapalad ang
mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.
5 Mapapalad ang
mga di-marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain.
6 Mapapalad ang
mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila.
7 Mapapalad ang
mga maawain sapagkat kaaawaan sila.
8 Mapapalad ang
mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 Mapapalad ang
mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng
Diyos.
10 Mapapalad ang
mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.
11 Mapapalad kayo
kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat
malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment