Mabuting Balita: Lucas 18:1-8
1 Dapat laging manalangin at
huwag masiraan ng loob – ito ang sinabi ni Jesus sa kanila sa isang talinhaga.
2 Sinabi niya: “Sa isang lunsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos
at walang pakialam sa mga tao. 3 May isa ring biyuda sa lunsod na iyon na
madalas pumunta sa kanya at sinasabi: ‘Igawad mo sa akin ang katarungan laban
sa aking kalaban.’ 4 Matagal siyang umayaw pero naisip niya pagkatapos:
‘Wala man akong takot sa Diyos at walang pakialam sa tao, 5 igagawad ko pa
rin ang katarungan sa biyudang ito na bumubuwisit sa akin at baka masiraan
pa ako ng ulo sa pagpunta-punta niya’.”
6 Kaya idinagdag ng Panginoon:
“Pakinggan ninyo ang sinabi ng di-matuwid na hukom. 7 Di ba’t igagawad ng
Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na araw-gabing tumatawag sa
kanya? Pababayaan ba niya sila? 8 Sinasabi ko sa inyo, agad niyang
igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pag dating ng Anak ng Tao, makakakita
kaya siya ng pananampalataya sa lupa?”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment