Mabuting Balita:
Lucas 13:1-9
1 Dumating naman ang ilang tao na nagbalita kay Jesus ng nangyari sa Templo. Ipinapatay nga ni Pilato
ang mga taga-Galilea at nahalo ang kanilang dugo sa mga handog nila. 2 Sinabi
ni Jesus sa kanila: “Sa akala ba ninyo’y mas makasalanan ang mga taga-Galileang
iyon kaysa lahat ng mga taga-Galilea dahil sila ang nagdusa? 3 Hindi. At
sinasabi ko sa inyo: kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat.
4 Gayon din naman sa namatay na labing walong taong nabagsakan ng tore sa
Siloe, sa akala ba ninyo’y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat ng
naninirahan sa Jerusalem? 5 Sinasabi ko: hindi, pero kung hindi kayo magbabago,
mapapahamak din kayong lahat.”
6 At sinabi ni Jesus ang talinhagang ito: “May taong may isang puno ng
igos sa kanyang ubasan. At pumunta siya para maghanap ng mga bunga pero wala
siyang nakita. 7 Kaya sinabi niya sa nag-aalaga ng ubasan: ‘Tatlong taon na
akong pumaparito sa paghahanap ng mga bunga sa punong-igos na iyan at wala
akong nakita. Putulin mo iyan at pampasikip lang sa lupa.’
8 Ngunit sumagot sa kanya ang tauhan: ‘Ginoo, pabayaan mo na siya ngayong
taon. Maghuhukay ako sa paligid nito at lalagyan ng pataba. 9 Baka sakaling mamunga
siya ngunit kung hindi’y saka mo siya putulin.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon
No comments:
Post a Comment