Please join My Reflections' Facebook Group

Friday, September 29, 2017

Repleksyon para sa Linggo Oktubre 8, Ika dalawamput pitong linggo sa karaniwang panahon; Mateo 21:33-43

Mabuting Balita: Mateo 21:33-43
33 Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa mga saserdote at matatanda ng bayan: May isang may-ari ng bahay na nagtanim ng ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsa-saka at naglakbay sa malayo. 34 Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang kanyang bahagi sa ani. 35 Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kanyang mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan. 36 Nagpadala uli ang may-ari ng marami pang katulong pero ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. 37 Sa bandang huli, ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aakalang ‘Igagalang nila ang aking anak.’ 38 Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak, inisip nilang ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at mapapasaatin ang kanyang mana.’ 39 Kaya sinunggaban nila siya, at pinalayas sa ubasan at pinatay. 40 Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka?” 41 Sinabi nila sa kanya: “Hindi niya kaaawaan ang masasamang taong iyon; pupuksain niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay ng kanyang kaparte sa anihan.” 42 At sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? ‘Naging panulukang bato ang tinanggihan ng mga taga¬pagtayo. Gawa ito ng Panginoon; at kahangahanga ang ating nakita.’ 43 Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago nito.
+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang corrupt ma lider na nagnakaw ng milyon milyon sa mga taong kanya dapat pinagsisilbihan ng tapat. Nang siya ay wala na sa kapangyarihan ang pumalit sa kanya ay isang maayos na lider at siya ay pina imbestigahan. Di nag laon ay nadiskubre ang kanyang kasakiman at siya ay nakulong.

May mga pagkakataon sa ating kasaysayan na may mga hinahalal tayong mga lider na arrogante at diktador. Na binobola ang mamamayan sa pamamagitan ng matatamis na pananalita. Ginagawa nila ito para sila ay tumagal at ito ay dahil sa kanilang pagiging sakim sa kapangyarihan.

Sa atin pong mabuting balita ay makikita natin ang kasakiman ng mga magsasaka. Ibinigay na sa kanila ang lahat ng kanilang kailagan sa kanilang pagsasaka. Ngunit ng dumating ang anihan ay hindi nila ibinigay ang nararapat na para sa may ari ng ubasan. Bagkus ay pinatay nilang lahat ang mga isinugo niya kahit na ang kanyang anak ay kanila ring pinatay. Ano ba ang nangyari sa mga sakim na mga magsasaka? Sila ay namatay at ang lupaing na kanilang sinasaka ay ibinigay sa mga magsasaka na hindi sakim. 

Ang atin pong pagiging sakim sa mga bagay ng mundong ito. Katulad ng pera, kapangyarihan, sex, material na bagay at marami pang iba ay mag papahamak lamang sa atin.
  
Tingnan nalang po natin ang kasaysayan ng ating mundo kung saan ay maraming diktador na mga lider. Ang pinatalsik sa kapangyarihan ng taong bayan dahil sa kanilang kasakiman sa kapangyarihan.

Dapat po ay matuto tayong magbahagi, dapat hindi tayo corrupt at hindi tayo sakim sa mga bagay ng mundo. Ito ay sa dahilan na tayo ay pawang mga magsasaka lamang dito sa mundo.

Pag dating po ng panahon na tayo lumisan na dito sa mundo tayo po ay tatanugin ng Panginoong Diyos: Ikaw ba ay nagbahagi ng iyong yaman? Hindi kaba naging corrupt at sakim sa mga pansamantalang bagay ng mundong ito? – Marino J. Dasmarinas 

No comments:

Post a Comment