Please join My Reflections' Facebook Group

Friday, September 29, 2017

Repleksyon para sa Linggo Oktubre 1, Ika dalawamput anim na lingo sa karaniwang panahon; Mateo 21:28-32

Mabuting Balita: Mateo 21:28-32
28 Sinabi ni Jesus sa mga saserdote at matatanda ng bayan: “Ano sa palagay ninyo? May dalawang anak ang isang tao. Lumapit siya sa isa at sinabi: ‘Anak, pumunta ka ngayon at magtrabaho sa aking ubasan.’ 29 Sumagot ang anak: ‘Ayoko.’ Ngunit pagkatapos ay nagbagong-isip siya at pumunta. 30 Pinuntahan din ng ama ang pangalawang anak at gayundin ang sinabi. Sumagot naman ang anak: ‘Opo.’ Pero hindi siya pumunta.” 31 At itinanong ni Jesus: “Sino sa dalawang anak ang tumupad sa gusto ng ama?” Sumagot sila: “Ang una.” At sinabi ni Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: mas nauuna sa inyo patungo sa kaharian ng Langit ang mga publi-kano at mga babaeng bayaran. 32 Dumating nga si Juan para ipakita sa inyo ang daan ng kabutihan pero hindi kayo naniwala sa kanya, samantalang naniwala naman ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Nakita ninyo ito at hindi kayo nagsisi o naniwala sa kanya.
+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano po ang gagawin mo pag narinig mo ang boses ng Diyos na nagsasabi na tumalikod kana  sa kasalanan?

Papakinggan mo lang ba ito? O papakingan at tatalikod kana sa mga kasalanan para mamuhay na ng naaayon sa kagustuhan ng Diyos. Marahil ay marami sa atin ang babaliwalain lang itong pagtawag sa atin ng Panginoon na magbagong buhay na. At patuloy lang tayong mamumuhay sa kasalanan.

Pero hindi tayo ginawa ng Diyos para mabuhay para sa mundong ito lamang. Dahil mayroong kasunod o susunod pa sa ating buhay sa mundong ito. At ito ay walang iba kundi ang langit o ang impiyerno.

Sa ating pong mabuting balita ay may isang anak na sinabihan ng kanyang ama na mag trabaho sa kanilang ubasan. Ang agarang sagot ng kanyang anak ay hindi siya pupunta sa ubasan. Pero pagkatapos na sabihin na  siya ay hindi pupunta ay nag bago ang kanyang isip at pumunta na siya sa ubasan ng kanyang ama para doon ay mag trabaho.

Ang ating Panginoong Diyos sa ating mga pagbasa at mabuting balita ngayong lingo ay nag sasabi sa atin na tumalikod na tayo sa ating mga kasalanan. Sinasabi ng Diyos sa atin na katulad ng anak nag bago ng kanyang isip. Tayo rin po ay kailagan ng mag desisyon na baguhin na ang ating pag iisip at tuluyan ng tumalikod sa anumang kasalanan.

Hindi na po importante sa Diyos ang mga nakaraan na hindi natin pinansin ang kanyang panawagan na tayo ay mag bagong buhay na. Ang mahalaga sa Diyos ay ang ngayon, ang ating pagtalima sa kanyang panawagan na talikdan na ang ating mga pagkakasala. At mag bagong buhay na hindi bukas, hindi sa susunod na lingo kundi ngayon na. – Marino J. Dasmarinas 

No comments:

Post a Comment