Please join My Reflections' Facebook Group

Friday, October 10, 2014

Repleksyon para sa Oktubre 12, Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon; Mateo 22:1-14

Mabuting Balita: Mateo 22:1-14
1 Muling nagsalita si Jesus sa pamamagitan ng mga talinhaga: 2 “Tungkol sa nangyayari sa kaha¬rian ng Langit ang kuwentong ito: May isang haring naghanda sa kasal ng kanyang anak na lalaki. 3 Ipinatawag niya  sa mga katulong ang mga imbi¬tado sa kasalan ngunit ayaw nilang dumalo. 4 Muli niyang pinapunta ang iba pang mga katulong para sabihin sa mga inanyayahan sa kasalan: ‘Nag¬handa ako ng pagkain, nagpatay ng mga toro at mga pinatabang hayop; handa na ang lahat kaya pumarito na kayo sa kasalan.’ 5 Ngunit hindi nila pinansin ang paanyaya, sa halip ay may  pu¬munta sa kanyang taniman, at sa kanyang negos¬yo naman ang isa pa. 6 Sinunggaban naman ng iba pa ang mga katulong ng hari, nilibak at pinatay. 7 Lubhang nagalit ang hari kayat ipi¬na¬dala niya ang kanyang hukbo para puksain ang mga mamamatay-tao at sunugin ang lunsod. 8 At sinabi niya sa kanyang mga katulong: ‘Handa na ang kasalan ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. 9 Pumunta kayo nga¬yon sa dulo ng lunsod at anya¬yahan sa kasalan ang bawat ma¬kita ninyo.’ 10 Kaya agad na lumabas sa mga daan ang mga katulong at tinipon ang lahat ng makita, masama at mabuti, at napuno ang kasalan ng mga nasa hapag. 11 Pagkatapos ay dumating ang hari para tingnan kung sino ang mga nasa hapag at napansin niya ang isang lala¬king hindi nakadamit-pam¬piyesta. 12 Kaya sinabi niya sa kanya: ‘Kai¬bigan, paano ka nakapasok nang walang damit pangkasal?’ Ngunit hindi umimik ang tao. 13 Kaya sinabi ng hari sa kanyang mga katulong: ‘Igapos ang kanyang mga kamay at paa, at itapon sa dilim, kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.’

14 Marami ngang talaga ang tinawag pero kaunti ang pinili.”

2 comments:


  1. Good afternoon Mr. Dasmarinas, salamat po sa reflection na ibinahagi ninyo para sa nabanggit na talata. Very timely po ang pagse-search ko sa blog po ninyo, dahil sa nalalapit kong pagbibigay reflection din sa nasabing parable. Nais ko po sanang hingin ang inyong pahintulot na aking maibahagi itong inyong naisulat sa aming congregation, maaari po ba? Thank you and may God blessed you..

    ReplyDelete