Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, December 15, 2025

Reflection for Tuesday December 16, 1st day of Misa de Gallo (Simbang Gabi): John 5:33-36


Gospel: John 5:33-36
(Jesus said to the Jews) You sent emissaries to John and he testified to the truth. I do not accept testimony from a human being but I say this so that you may be saved. 

He was a burning and shining lamp and for a while you were content to rejoice in his light. But I have testimony greater than John’s. The works that the father gave me to accomplish, these works that I perform testify on my behalf that the Father has sent me.   

+ + + + +  + +
Reflection:
Today, we begin the sacred journey of Misa de Gallo, or Simbang Gabi. As we enter these nine days of novena Masses, we are invited not only to rise early and attend, but more importantly, to prepare our hearts to be worthy of the coming birth of our Savior. This preparation calls us to an interior renewal—a quiet yet powerful transformation within us.

We renew ourselves when we choose reconciliation over resentment, forgiveness over bitterness, and simplicity over excess. We are renewed when we refuse to be consumed by the material side of Christmas and instead fix our gaze on its true essence—the birth of our Savior, Jesus Christ.

Like John the Baptist, we are called to give witness to Jesus by the way we speak and live. John humbly called people to repentance and renewal because he was sent by God to prepare the way of the Lord. As we journey through this Advent season, we too must ask ourselves: are we doing something to prepare the way for the coming birth of Christ in our lives and in our homes?

As parents, family members, and members of the Christian community, we carry a sacred responsibility. Are we teaching our children that Christmas is not about the gifts they receive nor the image of Santa Claus, but about Jesus, our Savior? Are we pointing them toward the deeper joy that comes not from possessions, but from His presence?

Slowly but surely, we see how the true meaning of Christmas is being overshadowed by materialism and commercialism. Yet, in our own small and quiet ways, we can be like John. We can gently but courageously remind others of the true reason for this season—no other than the birth of Jesus.

As we admire the glittering lights, enjoy the abundance of food, and exchange gifts, let us pause and reflect: are these drawing us closer to Christ, or slowly replacing Him in our hearts? This Advent, will we choose to prepare the way of the Lord—not just in our traditions, but in our lives? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Martes Disyembre 16, Simula ng Simbang Gabi: Juan 5:33-36


Mabuting Balita: Juan 5:33-36
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag.

Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.” 

+ + + + + + +
Repleksyon:
Sinisimulan natin ngayon ang banal na paglalakbay ng Misa de Gallo o Simbang Gabi. Sa loob ng siyam na araw, hindi lamang tayo inaanyayahang bumangon nang maaga at dumalo sa Misa, kundi higit sa lahat, inaanyayahan tayong ihanda ang ating mga puso upang maging karapat-dapat sa pagsilang ng ating Tagapagligtas at Panginoong Hesuskristo. Ang paghahandang ito ay isang tahimik ngunit makapangyarihang pagbabago sa ating kalooban.

Nagkakaroon tayo ng panibagong buhay kapag pinipili natin ang pakikipagkasundo kaysa galit, ang pagpapatawad kaysa pagkikimkim ng sama ng loob, at ang ang pagiging mapagbigay kaysa pagiging makasarili. Tayo’y nababago kapag hindi natin hinahayaang kundisyunin tayo ng materyal na aspeto ng Pasko, kundi itinutoon natin ang ating pansin sa tunay nitong diwa—ang pagsilang ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo.

Tulad ni Juan Bautista, tayo rin ay tinatawag na magpatotoo kay Hesus sa paraan ng ating pananalita at pamumuhay. Mapagpakumbaba niyang inanyayahan ang mga tao sa pagsisisi at pagbabagong-loob sapagkat siya’y isinugo ng Diyos upang ihanda ang daan ng Panginoon. Sa panahong ito ng Adbiyento, tanungin natin ang ating mga sarili: may ginagawa ba tayo upang ihanda ang daan ng Panginoon sa ating buhay at sa ating mga tahanan?

Bilang mga magulang at bahagi ng pamayanang Kristiyano, may pananagutan tayong gabayan ang mga kabataan. Naipapakita ba natin sa ating mga anak na ang Pasko ay hindi tungkol sa mga regalong matatanggap o sa anyo ni Santa Claus, kundi tungkol kay Hesus, ang ating Tagapagligtas? Itinuturo ba natin sa kanila ang kagalakang nagmumula hindi sa mga materyal na bagay, kundi sa presensya ni Hesus sa ating buhay?

Unti-unti nating nasasaksihan kung paanong natatabunan ang tunay na kahulugan ng Pasko ng materyalismo at komersiyalismo. Ngunit sa ating munting paraan, maaari rin tayong maging tulad ni Juan Bautista. Maaari nating ipaalala—nang may kababaang-loob ang tunay na dahilan ng panahon ng Pasko: walang iba kundi ang pagsilang ni Hesus.

Habang tayo’y naaaliw sa makukulay na ilaw, nagsasalu-salo sa masaganang pagkain, at nagpapalitan ng mga regalo, huminto muna tayo at magnilay: ang mga ito ba ay naglalapit sa atin kay Kristo, o unti-unti na ba Siyang napapalitan sa ating mga puso? Sa Simbang Gabi na ito, handa ba tayong ihanda ang daan ng Panginoon—hindi lamang sa ating mga tradisyon, kundi sa mismong paraan ng ating pamumuhay? – Marino J. Dasmarinas

Sunday, December 14, 2025

Reflection for December 15 Monday of the Third Week of Advent: Matthew 21:23-27


Gospel: Matthew 21:23-27
When Jesus had come into the temple area, the chief priests and the elders of the people approached him as he was teaching and said, “By what authority are you doing these things? And who gave you this authority?”

Jesus said to them in reply, “I shall ask you one question, and if you answer it for me, then I shall tell you by what authority I do these things. Where was John’s baptism from? Was it of heavenly or of human origin?” 

They discussed this among themselves and said, “If we say ‘Of heavenly origin,’ he will say to us, ‘Then why did you not believe him?’  But if we say, ‘Of human origin,’ we fear the crowd, for they all regard John as a prophet.” So they said to Jesus in reply, “We do not know.” He himself said to them, “Neither shall I tell you by what authority I do these things.”

+ + + + + + +
Reflection:
Are we in a position of authority? Yes, we are. In our own little ways, each of us occupies a position of authority—at home, at work, in our communities, and in the Church.

Authority is synonymous with power, yet many of us struggle to use it well. Too often, authority is misused to oppress, to bully, to corrupt, and to look down on those who are powerless and poor. When authority is separated from love and humility, it becomes a tool for self-interest rather than service.

The chief priests during the time of Jesus were like this. They constantly stayed behind Him, watching His every move, waiting for an opportunity to humiliate Him. They were threatened by His growing popularity among ordinary people, and they perceived Him as powerless and lowly. Because of this, they made it a habit to oppress Him.

Yet Jesus, whom they considered weak, possessed the greatest authority any of us could ever have. And how did He use it? He used it with humility. He used it to heal. He used it to comfort the brokenhearted. He used it to give hope to the hopeless and to serve those who were forgotten. Never did He boast about His authority; never did He demand worship because of it. His authority flowed from love, obedience, and complete trust in the Father.

As we reflect on our own lives, we are invited to examine how we exercise the authority entrusted to us. As parents, how do we use our authority in our homes? As leaders or managers, how do we use our authority in our places of work? As politicians, how do we exercise authority over our constituencies? As priests, how is authority lived out in our parishes? As teachers, how do we exercise authority over our students? In whatever role we are given, authority is never meant to dominate, but to serve.

Jesus remains our best and perfect model: authority exercised with humility, authority expressed with compassion, and authority offered for the greater glory of God. This is the kind of authority we are called to embrace—not for our own honor, but for the good of others.

As we stand before the Lord today, let us ask ourselves honestly and prayerfully: Is our authority drawing people closer to God, or pushing them away? Are we using the power entrusted to us to serve, to heal, and to give hope—or to elevate ourselves? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Disyembre 15 Lunes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento: Mateo: 21:23-27


Mabuting Balita: Mateo 21:23-27
Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo. Samantalang nagtuturo siya, lumapit sa kanya ang mga punong saserdote at ang matatanda ng bayan at siya’y tinanong, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?”

Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Kapag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – sa Diyos ba o sa tao?” At sila’y nagusap-usap: “Kung sabihin nating mula sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’ 

Ngunit kung sabihin nating mula sa tao baka naman kung ano ang gawin sa atin ng bayan, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta.” Kaya’t sumagot sila kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi niya, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginagawa ko.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Tayo ba ay nasa isang posisyon ng awtoridad o kapangyarihan? Sa kanya-kanya nating paraan, bawat isa sa atin ay may hawak na awtoridad—sa ating mga tahanan, sa lugar ng ating hanapbuhay, sa pamayanan, at sa Simbahan.

Ang awtoridad ay kaugnay ng kapangyarihan, ngunit marami sa atin ang nahihirapang gamitin ito nang wasto. Madalas, ang awtoridad ay nagiging kasangkapan ng pang-aapi, pananakot, katiwalian, at pagmamaliit sa mga mahihirap at walang kakayahan. Kapag ang awtoridad ay nahiwalay sa pagpapakumbaba at pagmamahal, ito ay nagiging daan hindi sa paglilingkod kundi sa pansariling kapakinabangan.

Ganito ang naging asal ng mga punong pari noong panahon ni Hesus. Palagi silang nakasubaybay sa Kanya, minamasdan ang Kanyang bawat kilos, naghihintay ng pagkakataong Siya’y mapahiya. Nanganganib ang kanilang posisyon dahil sa lumalawak na impluwensiya ni Hesus sa karaniwang tao. Dahil inakala nilang Siya’y mahina at hamak, ginawa nilang ugali ang Siya’y apihin.

Ngunit si Hesus—na itinuring nilang mahina—ang may pinakadakilang awtoridad na maaaring taglayin ng sinuman sa atin. At paano Niya ito ginamit? Ginamit Niya ito nang may kababaang-loob at kabutihan. Ginamit Niya ito upang magpagaling. Ginamit Niya ito upang umaliw sa mga sugatan ang puso. Ginamit Niya ito upang magbigay ng pag-asa at maglingkod. Kailanman ay hindi Niya ipinagyabang ang Kanyang awtoridad, at hindi Niya kailanman hiniling na sambahin Siya dahil dito. Ang Kanyang awtoridad ay nagmumula sa pag-ibig, sa ganap na pagsunod, at sa lubos na pagtitiwala sa Ama.

Sa ating pagninilay, inaanyayahan tayong suriin ang ating sarili: paano natin ginagamit ang awtoridad na ipinagkatiwala sa atin? Bilang mga magulang, paano natin ito isinasabuhay sa ating tahanan? Bilang mga pinuno o tagapamahala, paano natin ito ginagamit sa ating lugar ng paggawa? Bilang mga lingkod-bayan, paano natin isinasakatuparan ang ating awtoridad para sa ating nasasakupan?

Bilang mga pari, paano ito nahahayag sa ating mga parokya? Bilang mga guro, paano natin ginagamit ang awtoridad sa ating mga mag-aaral? Sa anumang tungkulin na ating ginagampanan, ang awtoridad ay hindi ibinigay upang mangibabaw, kundi upang maglingkod.

Si Hesus ang ating pinakamahusay na huwaran: nagsabuhay Siya ng kanyang awtoridad at kapangyarihan nang may kababaang-loob, awtoridad na pinanday ng habag, at awtoridad na inialay para sa higit na kaluwalhatian ng Diyos. Ito ang uri ng awtoridad na tinatawag tayong yakapin—hindi para sa ating dangal, kundi para sa ikabubuti ng kapwa.

Nakalulungkot na marami sa ating mga lingkod bayan at nag tratrabaho sa gobyerno na ginagamit ang kanilang awtoridad at kapangyarihan para nakawin ang pera sa gobyerno at ito ay nag bubunga ng lalong pagkalugmok ng mga mahihirap sa kahirapan.

Sa ating pagtayo sa harap ng Panginoon ngayon, taimtim nating itanong sa ating mga sarili: Ang paraan ba ng paggamit natin ng awtoridad ay naglalapit sa mga tao sa Diyos o lalo silang inilalayo? Ang kapangyarihang ipinagkatiwala sa atin—ginagamit ba natin upang maglingkod, magpagaling, at magbigay ng pag-asa, o upang itaas ang ating sarili? — Marino J. Dasmarinas

Friday, December 12, 2025

Reflection for Sunday December 14 Third Sunday of Advent: Matthew 11:2-11


Gospel: Matthew 11:2-11
When John the Baptist heard in prison of the works of the Christ, he sent his disciples to Jesus with this question, “Are you the one who is to come, or should we look for another?” Jesus said to them in reply, “Go and tell John what you hear and see: the blind regain their sight, the lame walk, lepers are cleansed, the deaf hear, the dead are raised, and the poor have the good news proclaimed to them. And blessed is the one who takes no offense at me.”

As they were going off, Jesus began to speak to the crowds about John, “What did you go out to the desert to see? A reed swayed by the wind? Then what did you go out to see? Someone dressed in fine clothing? Those who wear fine clothing are in royal palaces.

Then why did you go out? To see a prophet? Yes, I tell you, and more than a prophet. This is the one about whom it is written: Behold, I am sending my messenger ahead of you; he will prepare your way before you. Amen, I say to you, among those born of women there has been none greater than John the Baptist; yet the least in the kingdom of heaven is greater than he.

+ + + + + + +
Reflection:
The story is told of a man who was searching for the presence of Jesus in his life. He climbed the highest mountain hoping to find Him there, but he did not. He then went to the most majestic church with the same hope, yet again he did not find Jesus.

Like this man, we often look far and wide for the Lord’s presence. We long for signs, extraordinary moments, or dramatic encounters. Yet many times, we overlook the simple truth that the Lord is already with us. We fail to recognize Him because our hearts are too distracted, too burdened, or too absorbed by the things of this world.

 We are with the Lord when we pray.

We are with the Lord when we go to Holy Mass.

We are with the Lord when we read the Scriptures and allow God’s word to touch our hearts.

And in many quiet, hidden ways throughout our day, He comes to us, but we do not always see Him.

When John the Baptist heard in prison about the works of the Christ, he sent his disciples to ask Jesus, “Are you the one who is to come, or should we look for another?” Jesus answered, “Go and tell John what you hear and see: the blind regain their sight, the lame walk, lepers are cleansed, the deaf hear, the dead are raised, and the poor have the good news proclaimed to them.” (Matthew 11:2–5)

By pointing to His works, Jesus was telling them—and telling us—that there is no need to search for someone else. The One we long for is already in our midst.

He is here. He is present. He is with us.

And because He is with us, we need not be consumed by fear, worry, or the weight of our struggles. Instead, we are invited to trust Him more deeply, surrender our burdens more freely, and call upon His name more faithfully. The Lord is never far; it is our hearts that must draw near.

So today, as we pause and reflect, let us ask ourselves:

Are we truly opening our hearts to recognize Jesus who is already walking with us, comforting us, guiding us, and quietly revealing His presence every single day? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Linggo Disyembre 14 Ikatlong Linggo ng Adbiyento: Mateo 11:2-11


Mabuting Balita: Mateo 11:2-11
Noong panahong iyon: Nabalitaan ni Juan Bautista, na noo’y nasa bilangguan, ang mga ginagawa ni Kristo. Kaya’t nagsugo si Juan ng kanyang mga alagad at ipinatanong sa kanya, “Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?”

Sumagot si Hesus, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”

Pag-alis ng mga alagad ni Juan, nagsalita si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Bakit kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isa bang tambo na inuugoy ng hangin? Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagdaramit ng maringal ay nasa palasyo ng mga hari! Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa propeta.

Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan: ‘Narito ang sugo ko na aking ipinadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.’ Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, wala pang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa kanya.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa isang lalaki na buong taimtim na naghahanap sa presensya ni Jesus sa kanyang buhay. Inakyat niya ang pinakamataas na bundok sa pag-asang matatagpuan Niya roon ang Panginoon, ngunit hindi niya Siya nakita. Pumunta rin siya sa isang napakagarang simbahan, taglay ang gayunding pag-asa, ngunit muli niyang hindi naramdaman ang presensya ni Jesus.

Katulad niya, madalas tayong naghahanap sa Panginoon sa malalayo at magagarbong lugar. Hinahanap natin Siya sa mga pambihirang pangyayari o sa mga dramatikong karanasan. Subalit kadalasan, nakakaligtaan natin ang simpleng katotohanan na kasama na natin Siya. Hindi natin Siya lubos na nakikilala dahil abala ang ating mga puso, puno ng alalahanin, o nalululong sa mga bagay ng mundong ito.

Kasama natin ang Panginoon kapag tayo ay nananalangin.

Kasama natin Siya tuwing tayo ay nagsisimba at dumadalo sa Banal na Misa.

Kasama natin Siya kapag binabasa natin ang Banal na Kasulatan at hinahayaan nating humipo sa atin ang Kanyang salita.

At sa napakarami pang payapa at tahimik na sandali sa ating araw-araw na buhay, lumalapit Siya sa atin, ngunit hindi natin palaging napapansin.

Nang marinig ni Juan Bautista habang nasa bilangguan ang tungkol sa mga ginagawa ni Hesus, isinugo niya ang kanyang mga alagad upang tanungin si Hesus: “Ikaw ba ang darating o maghihintay pa kami ng iba?” At tumugon si Jesus: “Sabihin ninyo kay Juan ang inyong naririnig at nakikita: ang mga bulag ay nakakakita, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakakarinig, ang mga patay ay nabubuhay, at ang mga dukha ay pinangangaralan ng Mabuting Balita.” (Mateo 11:2–5)

Sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa, ipinahahayag ni Jesus—noon at ngayon—na hindi na natin kailangang humanap ng iba pang darating.

Ang hinahanap ng ating puso ay narito na.

Kasama na natin Siya. 

At dahil kasama natin Siya, hindi natin kailangang magpatalo sa takot, pangamba, o bigat ng ating mga pagsubok. Inaanyayahan Niya tayong mas magtiwala, mas magsuko ng ating mga pasanin, at mas tumawag sa Kanyang pangalan. Ang Panginoon ay hindi kailanman lumalayo; ang ating mga puso lamang ang kailangang lumapit. 

Ngayong sandali ng pagninilay, tanungin natin ang ating sarili:

Bukas ba talaga ang ating mga puso upang makilala si Jesus na kasama na natin, gumagabay sa atin, umaakay sa atin, at tahimik na nagpaparamdam ng Kanyang presensya sa atin araw-araw? – Marino J. Dasmarinas

Reflection for Saturday December 13 Memorial of Saint Lucy, Virgin and Martyr: Matthew 17:9a, 10-13


Gospel: Matthew 17:9a, 10-13
As they were coming down from the mountain, the disciples asked Jesus, “Why do the scribes say that Elijah must come first?”

He said in reply, “Elijah will indeed come and restore all things; but I tell you that Elijah has already come, and they did not recognize him but did to him whatever they pleased. So also will the Son of Man suffer at their hands.” Then the disciples understood that he was speaking to them of John the Baptist.

+ + + + + + +
Reflection:
Why is it that oftentimes we don’t recognize or feel God in our lives? Many times it is because we fail to listen to the advice of well-meaning people whom God sends to guide us closer to Jesus. At other times, it is because our prayer life has become inadequate, rushed, or neglected—leaving little room for God to speak to our hearts.

There are moments when we are encouraged to attend Holy Mass, or when someone gently counsels us to let go of harmful habits and unhealthy relationships. Yet we often dismiss these invitations. We choose our own way, relying on our own wisdom, until we fall into sin and slowly drift away from the loving presence of God.

Both Elijah and John the Baptist, one way or another, advised the people of their time to turn away from sin and embrace the teachings of Jesus. They prepared hearts, opened minds, and devoted their entire lives to leading others closer to God. Their mission was not grand in appearance, but it was powerful in purpose—they gave everything so that others could encounter the Lord.

We too are invited to follow in their footsteps. In our own simple, humble way, we can prepare the way for Jesus in our homes, workplaces, families, and communities. We do this by living His teachings with sincerity, and by sharing His love through small acts of kindness, forgiveness, and compassion. This is the daily challenge that confronts us as followers of Jesus Christ: to live and share the Lord’s life and teachings with courage and joy.

And so we ask ourselves: Will we allow God to work through us today so that others may see, hear, and experience Jesus through our lives? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Sabado Disyembre 13 Paggunita kay Santa Lucia, dalaga at martir: Mateo 17:10-13


Mabuting Balita: Mateo 17:10-13
Habang bumababa sila sa bundok, tinanong si Hesus ng mga alagad, "Bakit po sinasabi ng mga eskriba na dapat munang pumarito si Elias?" Sumagot siya, “Paririto nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Sinasabi ko sa inyo na pumarito na si Elias, ngunit hindi siya nakilala ng mga tao.

At kanilang ginawa sa kanya ang gusto nila. Gayon din naman, pahihirapan nila ang Anak ng Tao." At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy niya.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Bakit kaya madalas ay hindi natin nakikilala o nararamdaman ang presensya ng Diyos sa ating buhay? Marahil ito’y dahil hindi natin pinakikinggan ang mga payo ng mga taong may malasakit sa atin—mga taong isinugo ng Diyos upang akayin tayo palapit kay Jesus. Maaari rin namang dahil mahina dahil napabayaan na natin ang ating buhay-pananalangin kaya’t walang puwang ang Diyos na mangusap sa ating mga puso.

May mga sandaling inaanyayahan tayo na magsimba, o kaya nama’y may nagpapayo sa atin na talikuran na ang mga masasamang gawi at kaibigan. Ngunit kadalasan, hindi tayo nakikinig. Mas pinipili nating sundin ang sariling kagustuhan, umaasa sa sariling kakayahan, hanggang sa tayo’y magkasala at tuluyang lumayo sa mapagmahal na presensya ng Diyos.

Sina Elias at Juan Bautista, sa iba’t ibang paraan, ay nagbigay ng payo at paalaala sa mga tao noong kanilang panahon. Hinimok nila ang lahat na iwan ang kasalanan at yakapin ang mga aral ni Jesus. Inialay nila ang kanilang buhay upang ang tao ay makalapit sa Diyos. Ibinigay nila ang lahat upang mas makilala ng iba ang Panginoon.

Tayo rin ay inaanyayahang sundan ang kanilang halimbawa. Sa simple at mapagpakumbaba nating paraan, maaari rin nating ihanda ang daan para kay Jesus sa ating mga tahanan, trabaho, pamilya, at komunidad.

Nagagawa natin ito sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa Kanyang mga turo—sa pag-ibig, pagpapatawad, kabutihan, at habag. Ito ang hamon na araw-araw nating hinaharap bilang mga tagasunod ni Jesus: ang isabuhay at ibahagi ang Kanyang pag-ibig at aral nang may sigla at kagalakan.

Hahayaan ba natin ang Diyos na gamitin ang ating buhay para mas makilala at madama n gating kapwa si Hesus? – Marino J. Dasmarinas

Thursday, December 11, 2025

Reflection for Friday December 12 Memorial of Our Lady of Guadalupe Patroness of the Philippines: Luke 1:26-38


Gospel: Luke 1:26-38
The angel Gabriel was sent from God to a town of Galilee called Nazareth, to a virgin betrothed to a man named Joseph, of the house of David, and the virgin’s name was Mary. And coming to her, he said, “Hail, full of grace! The Lord is with you.”  

But she was greatly troubled at what was said and pondered what sort of greeting this might be. Then the angel said to her, “Do not be afraid, Mary, for you have found favor with God. Behold, you will conceive in your womb and bear a son, and you shall name him Jesus.  

He will be great and will be called Son of the Most High, and the Lord God will give him the throne of David his father, and he will rule over the house of Jacob forever, and of his Kingdom there will be no end.” But Mary said to the angel, “How can this be, since I have no relations with a man?” 

And the angel said to her in reply, “The Holy Spirit will come upon you, and the power of the Most High will overshadow you. Therefore the child to be born will be called holy, the Son of God. And behold, Elizabeth, your relative, has also conceived a son in her old age, and this is the sixth month for her who was called barren; for nothing will be impossible for God.”  

Mary said, “Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word.” Then the angel departed from her.

+ + + + + + +
Reflection:
Today is the memorial of Our Lady of Guadalupe, also known as the Virgin of Guadalupe.

Our Lady of Guadalupe appeared on the hill of Tepeyac in Mexico in December 1531 to an indigenous peasant named Juan Diego. After identifying herself to him, the Virgin Mary asked Juan Diego to build her a shrine on that very spot so that she might show and share her love and compassion with all believers.

Juan Diego then went to Juan de Zumárraga, the Archbishop of what is now Mexico City. The archbishop dismissed his account in disbelief and asked for proof of both the story and the Lady’s identity. Juan Diego returned to the hill, where he encountered the Virgin Mary once again. She instructed him to climb to the top of the hill and gather flowers to present to the archbishop.

Although it was winter and nothing should have been in bloom, Juan Diego found an abundance of flowers unlike any he had seen before. The Virgin Mary gathered the flowers into Juan Diego’s cloak, known as a tilma. When Juan Diego presented the tilma filled with exotic flowers to Archbishop Juan de Zumárraga, the flowers fell out, revealing Castilian roses, which do not grow in Mexico.

Most astonishing of all, the tilma was found to be miraculously imprinted with a colorful image of the Virgin Mary. This image, showing her with her head bowed and her hands joined in prayer, is revered today as the image of Our Lady of Guadalupe. In 1990, Pope Saint John Paul II visited Mexico and beatified Juan Diego. Ten years later, in the year 2000, Juan Diego was canonized as a saint.

Do we always accept the will of the Lord for our lives, or do we sometimes resist or contradict it?

Today’s Gospel reminds us that God, through the Angel Gabriel, chose the Blessed Mother to be the Mother of Jesus. Of all women, why Mary? We may never fully know the depths of God’s reasons, yet her humility, docility, and complete surrender to His will reveal the beauty of a heart fully open to God.

Mary embraced God’s plan with quiet courage when she said, “Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word” (Luke 1:38). She humbled herself before God, entrusted her entire life to Him, and continually discerned the gentle movements of the Holy Spirit.

As we reflect on her example, we are invited to look into our own hearts. Are we, like Mary, willing to humble ourselves before the Lord? Are we ready to entrust our plans, dreams, and fears to His loving will? Are we striving each day to listen to and follow the promptings of the Holy Spirit?

As God calls us to deeper faith and surrender, are we willing to say with Mary, “Lord, let it be done to us according to Your word”—even when His will leads us beyond our comfort and into the mystery of His love? – Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Biyernes Disyembre 12 Paggunita sa Mahal na Birhen ng Guadalupe Patrona ng Pilipinas: Lucas 1:26-38


Mabuting Balita: Lucas 1:26-38
Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya'y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. 

"Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!" Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya't sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y tatawagin mong Jesus.

Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan." "Paanong mangyayari ito, gayong ako'y dalaga?" tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kanyang kapangyarihan ng Kataas-taasan.

Kaya't banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya'y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao -- sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos." Sumagot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi." At nilisan siya ng anghel.

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ngayon ay ginugunita natin ang Mahal na Birheng ng Guadalupe.

Nagpakita ang Mahal na Birhen ng Guadalupe sa burol ng Tepeyac sa Mexico noong Disyembre 1531 sa isang katutubong magsasaka na nagngangalang Juan Diego. Matapos niyang ipakilala ang sarili, hiniling ng Mahal na Birheng Maria kay Juan Diego na magtayo siya ng isang dambana sa lugar na iyon upang maipakita at maibahagi niya ang kanyang pag-ibig at habag sa lahat ng mananampalataya.

Pagkatapos nito, nagtungo si Juan Diego kay Arsobispo Juan de Zumárraga, ang arsobispo ng lugar na ngayo’y kilala bilang Mexico City. Hindi pinaniwalaan ng arsobispo ang kanyang kuwento at humiling ng patunay tungkol sa pangitain at sa pagkakakilanlan ng Babaeng nagpakita sa kanya. Bumalik si Juan Diego sa burol, at muling nagpakita sa kanya ang Mahal na Birheng Maria. Inutusan niya si Juan Diego na umakyat sa tuktok ng burol at pumitas ng mga bulaklak upang iharap sa arsobispo.

Bagama’t taglamig at imposibleng may mamumulaklak, natagpuan ni Juan Diego ang saganang mga bulaklak na hindi niya kailanman nakita noon. Inilagay ng Mahal na Birheng Maria ang mga bulaklak sa balabal ni Juan Diego, na kilala bilang tilma. Nang iharap ni Juan Diego ang tilma na puno ng mga kakaibang bulaklak kay Arsobispo Juan de Zumárraga, tumapon ang mga bulaklak at lumitaw ang mga rosas na Kastila (Castilian roses)—mga rosang hindi tumutubo sa Mexico.

Subalit ang pinakanakakamangha sa lahat ay ang milagrosong pagkakalimbag ng makulay na imahe ng Mahal na Birheng Maria sa tilma. Ang imaheng ito, na nagpapakita sa kanya na nakayukod ang ulo at magkasalubong ang mga kamay sa panalangin, ay iginagalang hanggang ngayon bilang imahe ng Mahal na Birhen ng Guadalupe.

Noong 1990, bumisita si Santo Papa Juan Pablo II sa Mexico at idineklara si Juan Diego bilang isang beato. Pagkalipas ng sampung taon, noong 2000, si Juan Diego ay kinanonisa at pinarangalan bilang isang santo.

Tinatanggap ba natin lagi ang kalooban ng Panginoon sa ating buhay, o minsan ay pinipili nating salungatin ito?

Ipinapaalala sa atin ng Mabuting Balita na pinili ng Diyos, sa pamamagitan ng Anghel Gabriel, ang Mahal na Birheng Maria upang maging Ina ni Jesus. Sa lahat ng kababaihan, bakit si Maria? Marahil hindi natin lubos na mauunawaan ang kabuuang sagot, ngunit malinaw na nakikita sa kanyang kababaang-loob, pagiging masunurin, at lubos na pagsuko sa kalooban ng Diyos ang kagandahan ng isang pusong bukas sa plano ng Panginoon.

Tinanggap ni Maria ang plano ng Diyos nang tahimik at may kapanatagan nang sabihin niya, “Ako ang alipin ng Panginoon; mangyari nawa sa akin ang iyong salita” (Lucas 1:38). Siya’y nagpakumbaba sa harap ng Diyos, ipinagkatiwala ang buong buhay Niya sa Kanya, at patuloy na nakiinig sa paggabay ng Espiritu Santo.

Habang pinagninilayan natin ang kanyang halimbawa, tayo rin ay inaanyayahang suriin ang ating sariling mga puso. Handa ba tayong magpakumbaba sa Panginoon tulad ni Maria? Kaya ba nating ipagkatiwala ang ating mga pangarap, takot, at buong buhay sa mapagmahal Niyang kalooban? At pinipili ba nating makinig araw-araw sa mga paanyaya at paggabay ng Espiritu Santo?

Sa tawag ng Diyos naisuko natin ang lahat sa kanya nang may pananampalataya at pagtitiwala, handa ba tayong sabihin, kasama ni Maria: “Panginoon, mangyari nawa sa amin ang iyong salita”—kahit na magdaan tayo sa mga pagsubok? – Marino J. Dasmarinas

Wednesday, December 10, 2025

Reflection for December 11 Thursday of the Second Week of Advent: Matthew 11:11-15


Gospel: Matthew 11:11-15
Jesus said to the crowds: “Amen, I say to you, among those born of women there has been none greater than John the Baptist; yet the least in the Kingdom of heaven is greater than he. From the days of John the Baptist until now, the Kingdom of heaven suffers violence, and the violent are taking it by force. 

All the prophets and the law prophesied up to the time of John. And if you are willing to accept it, he is Elijah, the one who is to come. Whoever has ears ought to hear.”

+ + + + + + +
Reflection:
What do we do when we see that something is wrong in our family or in the organization to which we belong? Deep within, we know that we cannot remain indifferent. We are called to restore order and to help make things right, not by force, but by fidelity to truth and goodness.

John the Baptist lived out this call with courage and clarity. He summoned the people to repentance, proclaiming that the kingdom of God was at hand (Matthew 3:2). He saw firsthand the sinfulness of his time, yet he did not turn away in silence. Instead, he called hearts to conversion and renewal, preparing the way for the Lord.

John’s faithfulness did not come without cost. He gave his life for the sake of righteousness when he confronted King Herod for coveting Herodias, the wife of his brother Philip (Matthew 14:1–12). Someone had to stand for God’s truth, and John chose to be that witness. Sent by God, he sought to restore order and to bring righteousness once again. With unwavering courage, he confronted the powers of his day, even when doing so meant surrendering his own life.

As we journey through our own lives, we too become witnesses to immorality, corruption, and the many forms of injustice that wound our society. The temptation to remain silent is strong. Fear, convenience, and the desire for comfort can easily dull our conscience. Yet the Gospel urges us not to hesitate. We are called to speak out for what is moral and right, even when such faithfulness exposes us to misunderstanding, rejection, or suffering. If temporary hardship is the price of standing for truth, then so be it.

Evil continues to spread when we choose fear over courage, when we bow to the schemes of wickedness rather than trust in the power of God. But evil does not have the final word. To overcome it, we must take a stand—together—and allow our voices, our choices, and our lives to bear witness to the light.

The question then comes home to us: when truth is threatened and goodness is challenged, will we have the courage to live and speak as authentic witnesses of God, whatever the cost may be? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Disyembre 11 Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Mateo 11:11-15


Mabuting Balita: Mateo 11:11-15
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, walang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa sa kanya.

Mula nang mangaral si Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Diyos ay nagdaranas ng karahasan at inaagaw ng mararahas. Sapagkat ang mga propeta at Kautusan ay nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos hanggang sa dumating si Juan. Kung maniniwala kayo, siya ang Elias na darating. Ang may pandinig ay makinig!”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Ano ang ginagawa natin kapag nakikita nating may mali sa ating pamilya o sa samahang ating kinabibilangan? Sa kaibuturan ng ating puso, alam nating hindi tayo maaaring manatiling walang pakialam. Tayo ay tinatawag na tumugon at ituwid ang mali, hindi sa pamamagitan ng pagmamataas, kundi sa pagpapakumbaba sa katotohanan at kabutihan.

Ito ang naging buhay at misyon ni Juan Bautista. Buong tapang niyang inanyayahan ang mga tao na magsisi, sapagkat malapit na ang paghahari ng Diyos (Mateo 3:2). Nasaksihan niya ang kasalanan ng kanyang panahon, ngunit hindi siya nanahimik. Sa halip, ay nanawagan siya ng pagbabalik-loob at panibagong buhay, bilang paghahanda para sa pagdating ng Panginoon.

Hindi naging madali ang landas ni Juan. Inialay niya ang kanyang buhay alang-alang sa katuwiran nang kanyang sawayin si Haring Herodes dahil sa pagnanasa nito kay Herodias, ang asawa ng kanyang kapatid na si Felipe (Mateo 14:1–12). May kailangang tumindig para sa katotohanan ng Diyos, at si Juan ang tumugon sa tawag na iyon. Bilang sugo ng Diyos, hinangad niyang isaayos ang mali at ibalik ang daan ng katuwiran. Hinarap niya ang may kapangyarihan ng kanyang panahon nang may tapang, kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili niyang buhay.

Sa ating paglalakbay sa buhay, nasasaksihan din natin ang imoralidad, katiwalian, at iba’t ibang anyo ng kasamaan sa lipunan. Madaling matuksong manahimik. Ang takot, kaginhawaan, at pagnanais ng katahimikan ay madalas pumipigil sa atin upang kumilos. Ngunit tinatawagan tayo ng Mabuting Balita na huwag mag-atubili. Tayo ay inaanyayahang magsalita at tumindig para sa tama at mabuti, kahit pa magbunga ito ng hindi pagkakaunawaan, paglayo ng iba, o pansamantalang pagdurusa. Kung iyon ang magiging kapalit ng katapatan sa katotohanan, tatanggapin natin ito.

Nanatili ang kasamaan sa mundo kapag pinipili natin ang takot kaysa katapangan, kapag tayo ay yumuyuko sa mga masamang tao sa halip na magtiwala sa kapangyarihan ng Diyos. Ngunit hindi ang kasamaan ang may huling salita. Upang ito’y mapagtagumpayan, kailangan nating manindigan at hayaang ang ating mga salita, pagpapasya, at pamumuhay ay maging malinaw na patotoo ng liwanag.

Kaya’t ang tanong ngayon ay bumabalik sa ating lahat: kapag hinahamon ang katotohanan at tinatakpan ang kabutihan, handa ba tayong tumindig at mamuhay bilang tunay na saksi ng Diyos, anuman ang maging kapalit nito sa ating buhay? — Marino J. Dasmarinas

Tuesday, December 09, 2025

Reflection for December 10 Wednesday of the Second Week of Advent: Matthew 11:28-30

Gospel: Matthew 11:28-30
Jesus said: “Come to me, all you who labor and are burdened, and I will give you rest. 

Take my yoke upon you and learn from me, for I am meek and humble of heart; and you will find rest for yourselves. For my yoke is easy, and my burden light.”
+ + + + + + +
Reflection:
The story is told of a father who was suddenly rendered out of a job. Anxiety filled his heart as he wondered how he would earn enough to feed his family. In his moment of uncertainty, he turned to the Lord in prayer, entrusting his fears and needs to Him.

After only three days, a neighbor who knew about his situation approached him and asked if he would be willing to work as a family driver. Without hesitation, he said yes. Through faith and trust, a way forward was opened.

Many of us find ourselves in similar moments. We go through difficult seasons in our lives—times marked by sickness, joblessness, fear, or heavy worry. In such moments, our hearts long for peace. We seek relief. We desire rest. And sometimes, we wonder where to turn.

Jesus speaks to us in the Gospel with a tender and loving invitation:

“Come to me, all you who labor and are burdened, and I will give you rest.” (Matthew 11:28)

Why does Jesus call us to come to Him? It is because He knows the weight we carry. He sees our silent struggles, our hidden tears, and the burdens that press heavily upon our hearts. Jesus does not promise a life without trials, but He promises to walk with us through them. He offers to help us carry whatever pains, worries, and sufferings we are facing right now.

When we respond to this call of Jesus, we begin to experience a quiet but powerful change. The burdens we carry do not instantly disappear, but they become lighter because we no longer carry them alone. With Jesus beside us, hope is rekindled, faith is strengthened, and our hearts find renewed peace.

So let us not delay. Let us respond to the loving invitation of the Lord. When we do, we will discover that there is so much to gain and nothing to lose. If we open our hearts to Him, we will witness how grace unfolds in our lives in ways we could never have imagined.

The question now rests in our hearts: in the midst of our struggles and weariness, are we willing to place our trust in the Lord, surrender our burdens to Him, and truly come to Jesus today? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Disyembre 10 Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Mateo 11:28-30


Mabuting Balita: Mateo 11:28-30
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at; nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko. 

Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako'y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo."

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa isang ama na bigla na lamang nawalan ng trabaho. Nabagabag ang kanyang puso habang iniisip kung paano niya itataguyod ang kanyang pamilya. Sa gitna ng kanyang takot at pangamba, siya ay lumapit sa Panginoon at taimtim na nanalangin, buong pagtitiwalang inilalagay sa Kanya ang kanyang pinagdaraanan.

Pagkalipas lamang ng tatlong araw, isang kapitbahay na may alam sa kanyang kalagayan ang lumapit at nag-alok sa kanya ng trabaho bilang drayber ng pamilya. Kaya agad niya itong tinanggap.

Marami sa atin ang maaaring dumaraan din sa ganitong mga sandali. Tayong lahat ay may mga panahong nahaharap sa mabibigat na pagsubok—karamdaman, kawalan ng trabaho, pangamba, o mga alalahaning tila hindi natin kayang dalhin mag-isa. Sa mga sandaling ito, ang ating mga puso ay naghahangad ng kapayapaan. Nais natin ng ginhawa. Hinahanap natin ang kapahingahan.

Sa Mabuting Balita, puno ng pagmamahal na sinasabi ni Jesus: “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan, at kayo’y papaginhawahin ko.” (Mateo 11:28)

Bakit tayo tinatawagan ni Jesus na lumapit sa Kanya? Dahil alam Niya ang bigat na ating pinapasan. Mahirap ang buhay ngayon, dinagdagan pa ito ng pagnanakaw ng pera sa gobyerno tulad ng kurapsyon ng pera sa flood control.

Nakikita ni Jesus ang ating mga lihim na pakikibaka, ang mga luhang walang nakakakita, at ang mga pasaning nagpapabigat sa ating mga puso. Hindi ipinapangako ni Jesus na mawawala ang lahat ng pagsubok, ngunit ipinapangako Niya na sasamahan Niya tayo sa gitna ng mga ito. Handa Siyang tumulong sa atin na buhatin ang anumang sakit, alalahanin, at paghihirap na ating kinakaharap ngayon.

Kapag tumugon tayo sa panawagang ito ni Jesus, unti-unting may magbabago sa ating kalooban. Maaaring hindi agad mawala ang ating mga pasanin, ngunit gumagaan ang mga ito sapagkat hindi na natin sila dinadala nang mag-isa. Kasama si Jesus, muling nabubuhay ang ating pag-asa, tumitibay ang ating pananampalataya, at ang ating mga puso ay nakakahanap ng tunay na kapayapaan.

Kaya huwag na tayong mag-atubili. Tumugon tayo sa mapagmahal na paanyaya ng Panginoon. Sapagkat pag lumapit tayo sa Kanya, makikita natin na magbabago ang ating buhay at magiging matatag tayo ano mang pagsubok ang dumaan sa buhay natin.

Sa gitna ng ating mga pagsubok at pagkabagabag, handa ba tayong magtiwala, isuko ang ating mga pasanin kay Jesus? — Marino J. Dasmarinas

Monday, December 08, 2025

Reflection for December 9 Tuesday of the Second Week of Advent: Matthew 18:12-14


Gospel: Matthew 18:12-14
Jesus said to his disciples: “What is your opinion? If a man has a hundred sheep and one of them goes astray, will he not leave the ninety-nine in the hills and go in search of the stray? 

And if he finds it, amen, I say to you, he rejoices more over it than over the ninety-nine that did not stray. In just the same way, it is not the will of your heavenly Father that one of these little ones be lost.”

+ + + + +  + +
Reflection:
Can we measure God’s love for us?

No, because God’s love is not bound by any kind of measurement, nor is it limited by time and space. Even when we fall into sin, even when we stray far from Him, God continues to love us without condition and without end.

The Parable of the Lost Sheep in our Gospel beautifully reveals this truth. Who is the man who leaves the ninety-nine to search for the one that is lost? He is our loving and merciful God. And who is the lost sheep that goes astray? It is us. We are the ones who falter, who oftentimes choose sin over grace, and who forget how deeply we are loved.

Yet, despite our weaknesses and failures, God never gives up on us. Even when we run away from His love, He constantly looks for us. He is ever ready to forgive, ever ready to embrace us once again, and ever willing to restore us to Himself. How comforting it is to know that our God does not keep count of our sins but measures everything according to His infinite love.

As we reflect on this, let us be mindful of the mercy we ourselves have received. Let us not be quick to judge others who struggle with sin, for we, too, are in need of compassion and grace. Instead of condemning, let us imitate God who seeks, who reaches out, and who gently lifts the lost sheep back to the fold.

Rather than judging those who fall, let us help one another rise again. Let us walk with one another, so that together we may be freed from the bondage of sin. Many remain lost not because God has abandoned them, but because no one has shown them His love through ours. When we choose not to reach out, when we withhold mercy, God’s love remains untasted by those who need it most.

So today, we ask ourselves: Are we quick to judge, or are we willing to love?

Are we content to stay with the ninety-nine, or will we dare to go out and seek the lost?

How will we allow God’s infinite love to flow through us—so that others may finally know they are never beyond His mercy? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Disyembre 9 Martes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Mateo 18:12-14


Mabuting Balita: Mateo 18:12-14
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may isang daang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu't siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw?

Sinasabi ko sa inyo; kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. Gayon din naman, hindi kaloob ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Masusukat ba natin ang pag-ibig ng Diyos para sa atin?

Hindi, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nasusukat ng anumang pamantayan. Kahit tayo ay nagkakasala, kahit tayo ay nagkakamali at nalilihis ng landas, patuloy pa rin Niya tayong minamahal nang buong-buo at walang hanggan.

Ipinakikita sa Talinghaga ng Nawawalang Tupa sa ating Mabuting Balita ang katotohanang ito. Sino ang lalaking iniwan ang siyamnapu’t siyam upang hanapin ang isang nawawala? Siya ang ating mapagmahal at mahabaging Diyos. At sino ang nawawalang tupang naligaw? Tayo iyon. Tayo ang madalas manghina, tayo na madalas na inuuna ang kasalanan kaysa sa Diyos, at tayo na nakakalimot kung gaano kalalim ang Kanyang pagmamahal.

Gayunpaman, sa kabila ng ating mga pagkukulang, hindi kailanman sumusuko ang Diyos sa atin. Kahit tayo ay tumatakbo palayo sa Kanyang pag-ibig, Siya ay patuloy na naghahanap sa atin. Laging handang magpatawad. Laging handang tumanggap muli. Laging handang maghilom ng ating sugatang puso. Kay ganda ng katiyakang ito: ang ating Diyos ay hindi nagbibilang ng ating mga kasalanan, kundi nagmamahal ayon sa Kanyang walang hanggang awa at pag-ibig.

Dahil dito, inaanyayahan tayong magmuni-muni. Kung tayo mismo ay tumatanggap ng habag at kapatawaran, bakit tayo madaling humusga sa iba? Huwag sana tayong makalimot na tayong lahat ay nangangailangan ng awa. Sa halip na manghatol, tularan natin ang Diyos na naghahanap, lumalapit, at may malasakit na ibinabalik ang nawawala sa Kanyang kawan.

Sa halip na humusga sa mga nagkakasala, tulungan natin ang isa’t isa na muling makatayo. Samahan natin ang isa’t isa sa paglalakbay palabas ng pagkaalipin sa kasalanan. Marami ang naliligaw hindi dahil iniwan sila ng Diyos, kundi dahil walang handang magparamdam sa kanila ng Kanyang pag-ibig. Kapag hindi natin ipinapadama ang pagmamahal, nananatiling hindi nadarama ng marami ang pag-ibig ng Diyos na dapat ay dumadaloy sa pamamagitan natin.

Kaya ngayo’y tanungin natin ang ating sarili: Tayo ba ay mabilis humusga, o handang magmahal? Mananatili ba tayong walang kibo at pakiramdam o lalakasan natin ang ating loob na hanapin ang nawawala?

Paano natin maipaparamdam ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos ay dumadaloy sa pamamagitan natin? — Marino J. Dasmarinas