Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos
sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang
hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang
maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan
niya.
"Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa Anak
ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya.
Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng
tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa.
Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayon, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa'y pagsunod sa Diyos.
No comments:
Post a Comment