Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, April 02, 2024

Ang Mabuting Balita, Abril 4 Huwebes sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay: Lucas 24:35-48


Mabuting Balita: Lucas 24:35-48
Noong panahong iyon, samantalang isinalaysay ng mga alagad ni Hesus ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang pagpira-pirasuhin niya ang tinapay. Samantalang pinag-uusapan nila ito, si Hesus ay tumayo sa gitna nila. "Sumainyo ang kapayapaan!" sabi niya sa kanila. Ngunit nagulat sila at natakot sapagkat ang akala nila'y multo ang nasa harapan nila.  

Kaya't sinabi ni Hesus sa kanila, "Ano't kayo'y nagugulumihanan? Bakit nag-aalinlangan pa kayo? Tingnan ninyo ang aking kamay at paa, ako nga ito. Hipuin nga ninyo at pagmasdan. Ang multo'y walang laman at buto, ngunit ako'y mayroon, tulad ng nakikita ninyo." At pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa. Nang hindi pa rin sila makapaniwala dahil sa malaking galak at pagkamangha, tinanong sila ni Hesus, "May makakain ba riyan?" Siya'y binigyan nila ng kaputol na isdang inihaw, kinuha niya ito at kinain sa harapan nila.  

Pagkatapos, sinabi sa mga alagad, "Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasama-sama pa ninyo ako: dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises sa mga aklat ng mga propeta at sa aklat ng mga Awit." At binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.  

Sinabi niya sa kanila. "Ganito ang mga nasusulat: kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesias at muling mabuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa bagay na ito."

No comments:

Post a Comment