Ano ang masasabi mo?” Itinanong nila ito upang subukin siya, nang
may maisumbong sila laban sa kanya. Ngunit yumuko si Hesus at sumulat sa lupa
sa pamamagitan ng daliri. Ayaw nilang tigilan nang katatanong si Hesus, kaya’t
sila’y tiningnan niya at sinabi ang ganito, “Sinuman sa inyo na walang
kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” At muli siyang yumuko at sumulat
sa lupa.
Nang marinig nila ito, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Walang naiwan kundi si Hesus at ang babaing naroon pa rin sa harapan niya. Tiningnan siya ni Hesus at tinanong: “Nasaan sila? Wala bang nagparusa sa iyo?” “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Hesus: “Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala.”
No comments:
Post a Comment