Noong Panahong iyon, nakita ni Jesus
ang isang publikano na nagngangalang Levi, nakaupo sa paningilan ng buwis.
Sinabi sa kanya ni Jesus, "Sumunod ka sa akin." Tumindig si Levi,
iniwan ang lahat, at sumunod kay Jesus.
Si Jesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking piging sa kanyang
bahay. Nakasalo niya roon ang mga publikano at ang iba pang mga tao.
Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang kanilang mga kasamang eskriba. Sinabi
nila sa mga alagad ni Jesus, "Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng
mga publikano at ng mga makasalanan?"
Sinagot
siya ni Jesus, "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit
kundi ang may sakit. Naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi
ang mga makasalanan upang magsisi."
No comments:
Post a Comment