Noong panahong iyon, nalimutan ng mga
alagad na magdala ng tinapay, at iisa lang ang kanilang tinapay sa bangka.
"Kaiingat kayo! Ilagan ninyo ang lebadura ng mga Pariseo at ang lebadura
ni Herodes," babala ni Jesus sa kanila. Nag-usap-usap ang mga alagad,
"Wala kasi tayong dalang tinapay kaya niya sinabi iyon."
Alam ito ni Jesus, kaya't sila'y tinanong niya, "Bakit ninyo
pinag-uusapan na kayo'y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakababatid o
nakauunawa? Hindi pa ba abot ng inyong isip? Wala ba kayong mata? Wala ba
kayong tainga? Nakalimutan na ba ninyo nang pagpira-pirasuhin ko ang limang
tinapay para sa limanlibo?
Ilang bakol ang napuno ninyo sa mga lumabis na tinapay?" "Labindalawa po," tugon nila. "At nang pagpira-pirasuhin ko ang pitong tinapay para sa apatnalibo, ilang bakol na malalaki ang napuno ninyo?" tanong niya. "Pitong bakol po," tugon nila. "At hindi pa rin ninyo nauunawaan?" wika niya.
No comments:
Post a Comment