Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad
ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan
uli. Sa laki ng tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya
at binili ang bukid na iyon.
“Gayun din
naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na
naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga,
siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.”
No comments:
Post a Comment