Huwag kayong magdala ng salapi -- maging ginto, pilak, o tanso -- sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay.
"At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo'y nasa lugar na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, 'Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!' Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati.
Ngunit kung
hindi, bawiin ninyo ito. At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang
tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa.
Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa
sa mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma at
taga-Gomorra."
No comments:
Post a Comment