Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa
kanyang mga alagad, "Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at
manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi
gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng
matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko.
At alam na ninyo ang daan patungo sa
pupuntahan ko." Sinabi sa kanya ni Tomas, "Panginoon, hindi po namin
alam kung saan kayo pupunta, paano namin malalaman ang daan?" Sumagot si
Jesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa
Ama kundi sa pamamagitan ko.'"
No comments:
Post a Comment