Noong panahong iyon, nagsalita
si Pedro kay Hesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod
sa inyo.”
Sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig.
At sa kabilang buhay ay
magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging
huli, at maraming nahuhuli na magiging una.”
No comments:
Post a Comment