Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, February 01, 2023

Ang Mabuting Balita para Biyernes Pebrero 3, Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 6:14-29


Mabuting Balita: Marcos 6:14-29
Noong panahong iyon, nakarating kay Haring Herodes ang balita tungkol kay Jesus, sapagkat bantog na ang pangalan nito. May nagsasabi, "Siya'y si Juan Bautista na muling binuhay, kaya nakagagawa siya ng himala." May nagsasabi naman, "Siya'y si Elias." "Siya'y propeta, katulad ng mga propeta noong una," anang iba pa.  

Sinabi naman ni Herodes nang mabalitaan niya ito, "Muling nabuhay si Juan na pinapugutan ko." Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan dahil kay Herodias. Ang babaing ito'y asawa ni Felipe na kapatid ni Herodes ngunit kinakasama niya. Laging sinasabi sa kanya ni Juan, "Hindi matuwid na kunin ninyo ang asawa ng inyong kapatid." Kaya't si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan.  

Hinangad niyang ipapatay ito, ngunit hindi niya magawa, sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Alam niyang ito'y taong matuwid at banal, kaya't ipinagsasanggalang niya, Gustong-gusto niyang makinig kay Juan, bagamat labis siyang nababagabag sa mga sinasabi nito. Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Herodias nang anyayahan ni Herodes sa kanyang kaarawan ang kanyang mga kagawad, mga pinuno ng hukbo, at mga pangunahing mamamayan ng Galilea.  

Pumasok ang anak na babae ni Herodias at nagsayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga panauhin, kaya't sinabi ng hari sa dalaga, "Hingin mo sa akin ang anumang ibig mo at ibibigay ko sa iyo." At naisumpa pa niyang ibibigay kahit ang kalahati ng kanyang kaharian kung ito ang hihilingin. Lumabas ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, "Ano ang hihingin ko?" "Ang ulo ni Juan Bautista," sagot ng ina. Dali-daling nagbalik ang dalaga sa kinaroroonan ng hari. "Ang ibig ko po'y ibigay ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista," sabi niya.  

Labis na nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang sumpa na narinig ng kanyang mga panauhin, hindi niya matanggihan ang dalaga. Kaagad niyang iniutos sa isang bantay na dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Sumunod ang bantay at pinugutan si Juan sa bilangguan, at inilagay ang ulo sa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga. Ibinigay naman iyon ng dalaga sa kanyang ina. Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing.

No comments:

Post a Comment