Mabuting Balita: Juan 1:29-34
Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na lumalapit sa kanya. Sinabi
niya, “Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan! Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong dumarating na kasunod ko
ang isang higit sa akin sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak. Hindi ko
rin siya lubos na nakikilala noon, bagamat ako’y naparitong nagbibinyag sa
tubig upang ipakilala siya sa Israel.”
Ito ang patotoo ni Juan, “Nakita ko
ang Espiritung bumababa buhat sa langit, gaya ng isang kalapati, at nanatili sa
kanya. Hindi ko nga siya lubos na nakikilala noon, ngunit ang nagsugo sa akin
upang magbinyag sa tubig ang nagsabi sa akin, ‘Makikita mo ang Espiritu na
bababa at mananatili sa isang tao – siya ang magbibinyag sa pamamagitan ng
Espiritu Santo.’ Nakita ko ito, at pinatototohanan kong siya ang Anak ng
Diyos.”
No comments:
Post a Comment