Noong
panahong iyos, umalis si Jesus at ang kanyang mga alagad at nagpunta sa tabi ng
lawa. Sinundan siya ng maraming tao buhat sa Galilea. Nagdatingan din naman ang
napakaraming tao mula sa Judea, sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at
sa palibot ng Tiro at Sidon nang mabalitaan nila ang lahat ng ginawa ni Jesus.
Nagpahanda
si Jesus sa kanyang mga alagad ng isang bangkang magagamit niya, upang hindi
siya maipit ng mga taong dumaragsa. Marami na siyang pinagaling, kaya't
pinagdumugan siya ng lahat ng maysakit upang mahipo man lamang nila. Bawat
inaalihan ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan
niya at sumisigaw, "Ikaw ang Anak ng Diyos!" At mahigpit silang
pinagbawalan ni Jesus; ayaw niyang ipasabi kung sino siya.
No comments:
Post a Comment