Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, January 15, 2023

Ang Mabuting Balita Enero 16, Lunes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 2:18-22


Mabuting Balita: Marcos 2:18-22
Noong panahong iyon, nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at mga Pariseo. May lumapit kay Jesus at nagtanong, "Bakit po nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga alagad ng mga Pariseo, ngunit ang mga alagad ninyo'y hindi?" Sumagot si Jesus, "Makapag-aayuno ba ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama nila ang lalaking ikinasal? Hindi! Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno. 

"Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa lumang kasuutan; pag urong ng bagong kayo, mababatak ang luma at lalong lalaki ang punit. Wala rin namang nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapwa masasayang ang alak at ang sisidlan. Bagong alak, bagong sisidlang-balat!"

No comments:

Post a Comment