Noong
panahong iyon, sa paglalakad ni Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya
ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag na Pedro, at ang kapatid niyang
si Andres. Sila’y naghahagis ng lambat. Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa
akin, at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.” Noon di’y iniwan nila ang
kanilang mga lambat at sumunod kay Hesus.
Nagpatuloy siya ng paglakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa bangka, kasama ang kanilang ama, at naghahayuma ng lambat. Tinawag din sila ni Hesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Hesus.
No comments:
Post a Comment