Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, July 04, 2022

Ang Mabuting Balita Hulyo 5 Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 9:32-38


Mabuting Balita: Mateo 9:32-38
Noong panahong iyon, dinala kay Jesus ang isang piping inaalihan ng demonyo. Pinalayas ni Jesus ang demonyo at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao, at sinabi nila, "Kailanma'y walang nakitang katulad nito sa Israel!" Datapwat sinabi ng mga Pariseo, "Ang prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo."  

Nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, "Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin."

No comments:

Post a Comment