"Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. at gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim."
"At kapag nananalangin kayo, huwag kayong tutulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim.
"Kapag
nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga
mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila'y
nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.
Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin
ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang
nakaaalam nito. Siya, na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang
gaganti sa iyo."
No comments:
Post a Comment