Noong
Panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Narinig na ninyong
sinabi, 'Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.' Ngunit
ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo
ang mga umuusig sa inyo, upang kayo'y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa
langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at
pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.
Kung
ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala
ang inyong hihintayin? Hindi ba't ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung
ang binabati lamang ninyo'y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong
higit kaysa iba? Ginagawa rin iyan ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging
ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit."
No comments:
Post a Comment