Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, May 01, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Mayo 2, San Atanasio, Obispo at pantas ng Iglesia (Paggunita) : Juan 6:22-29


Mabuting Balita: Juan 6:22-29
22 Napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na dati’y wa¬lang ibang bangka doon kundi isa lang at hindi suma¬kay sa bangka kasama ng kanyang mga alagad si Jesus kundi ang kanyang mga alagad lamang ang magkakasamang umalis. 23 May iba namang malalaking bangkang galing Tiberias na dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay pagkapag-pasalamat ng Pangi¬noon. 

24 Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Jesus ni ang kanyang mga alagad, suma¬kay sila sa mga bangka at nagpa-Capernaum sa pag¬hanap kay Jesus.  25 Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng dagat, sinabi nila sa kanya, “Rabbi, kailan ka dumating?” 26 Sumagot sa kanila si Jesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap n’yo ako hindi dahil sa nakita n’yo sa pamamagitan ng mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain n’yo at nabusog kayo. 

27 Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasi¬sira kundi para sa pagkaing nama¬malagi hanggang buhay na magpa¬kailanman. Ito ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.”   28 Kaya sinabi nila sa kanya: “Ano ang matatrabaho namin para maisa¬gawa ang mga gawa ng Diyos?” 29 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: “Ito ang gawa ng Diyos: patuloy kayong manalig sa sinugo niya.”

No comments:

Post a Comment