Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, April 18, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Abril 20, Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Lucas 24:13-35


Mabuting Balita: Lucas 24:13-35
13 Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus na isang nayong mga labin­limang kilo­metro mula sa Jerusalem. 14 Pinag-uusapan nila ang mga nangyari. 15 Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Jesus at nakisabay sa paglakad nila 16 pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala.  

17 Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Tumigil silang mukhang malungkot. 18 Suma­got ang isa sa kanila na nagnga­ngalang Cleofas: “Bakit, mukhang ikaw lang ang kaisa-isahan sa Jerusalem na di alam ang mga nangyari roon nitong mga ilang araw?”  

19 Itinanong niya: “Ano?” Sumagot sila: “Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya’y isa siyang propetang maka­pang­­yarihan sa gawa at salita. 20 Ngunit isinakdal siya ng aming mga punong-pari at mga pinuno para mahatulang mamatay at ipinako siya sa krus. 21 Uma­asa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito.  

22 Sa totoo’y ginulat kami ng ilang ba­baeng kasama namin. Maaga silang pu­munta sa libingan 23 pero hindi nila nakita ang kanyang katawan kaya du­mating sila at sinabi sa amin na naka­kita pa raw sila ng aparisyon ng mga anghel na nag­sabi sa kanila na buhay siya. 24 Nagpunta rin sa libingan ang ilan sa amin at natag­puan nga nila ang sinasabi ng mga babae pero hindi nila siya nakita.”  

25 Sinabi sa kanila ni Jesus: “Mga hin­di makaunawa at mapupurol ang isip para maniwala sa lahat ng ipina­hayag ng mga propeta. 26 Di ba’t kaila­ngang mag­dusa nang ganito ang Mesiyas bago pu­masok sa kanyang Lu­walhati?” 27 At sinimulan niyang ipa­liwanag sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, mula kay Moises hanggang sa lahat ng Pro­peta.  

28 Nang malapit na sila sa nayong pu­puntahan nila, parang magpapatuloy pa siya ng paglakad. 29 Pero pinilit nila siya: “Manatili kang kasama namin dahil dapit­hapon na at lumulubog na ang araw.” Kaya pumasok siya at suma­ma sa kanila. 30 Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila.  

31 At noo’y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. 32 Nag-usap sila: “Hindi ba’t nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo sa daan at ipinali­liwanag sa atin ang mga Kasulatan?”  

33 Noon di’y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Nakita nila roon na mag­ka­kasama ang Labing-isa at ang iba ni­lang kasamahan. 34 Sinabi ng mga iyon sa kanila: “Totoo ngang binuhay  ang Panginoon at napakita siya kay Simon.” 35 At isinalaysay naman nila ang nang­yari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay.

No comments:

Post a Comment