8 Agad
na iniwan ng mga babae ang libingan na natatakot at labis na nagagalak, at
tumakbo sila para balitaan ang kanyang mga alagad. 9 Nakasalubong nila sa
daan si Jesus at sinabi niya: “Kapayapaan.” Paglapit sa kanya ng mga babae,
niyakap nila ang kanyang mga paa at sinamba siya. 10 Sinabi naman ni
Jesus sa kanila: “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin sa aking mga
kapatid na pumunta sila sa Galilea; doon nila ako makikita.”
11 Samantalang
pabalik ang mga babae, nagbalik naman sa lunsod ang ilang mga bantay at
ibinalita sa mga punong-pari ang lahat ng nangyari. 12 Nakipag-usap naman
ang mga ito sa mga Matatanda ng bayan kaya kumuha sila ng sapat na halaga at
ibinigay sa mga sundalo, 13 at tinagubilinan silang “Sabihin ninyong
dumating nang gabi ang kanyang mga alagad at ninakaw ang katawan habang
natutulog kayo. 14 Kung mabalitaan ito ng gobernador, kami ang bahala sa
kanya at hindi kayo magkakaproblema.” 15 Tinanggap ng mga sundalo ang
pera at ginawa ang itinuro sa kanila; at laganap pa hanggang ngayon ang
kuwentong ito sa mga Judio.
No comments:
Post a Comment