Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, February 21, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 24 Huwebes ng Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 9:41-50


Mabuting Balita: Marcos 9:41-50
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Kung may magpainom sa inyo ng malamig na tubig alang-alang sa aking pangalan dahil kay Kristo kayo, ta­lagang sinasabi ko sa inyo na hindi siya mana­natiling walang gantimpala. 42 Ngunit kung may tumisod at mag­padapa sa isa sa maliliit na ito na nananalig, mas ma­kabubuti pa para sa kanya na itapon siya sa dagat na may taling malaking bato sa kanyang leeg.  

43 Kung ang kamay mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na ping­kaw sa buhay kaysa matapon sa walang hang­gang apoy ng impiyerno na may dalawang kamay. 45 At kung ang paa mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pilay sa bu­hay kaysa matapon sa impiyerno na may dalawang paa. 47 At kung ang mata mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, itapon mo ito. 

Mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa matapon sa impiyerno na may dalawang mata, 48 kung saan walang tigil ang mga uod sa kanila at walang kamatayan ang apoy. 49 Buburuhin nga ng apoy ang lahat. 50 Mabuti ang asin ngunit kung tuma­bang ang asin, paano ninyo ito mapaa­alat uli? Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili at mabuhay sa kapa­ya­paan sa isa’t isa.”

No comments:

Post a Comment