Pagkaalis
ni Jesus sa lugar na iyon, pumunta siya sa kanyang bayan, kasama ng kanyang mga
alagad. 2 Nang sumapit ang Araw ng Pahinga, nagsimula
siyang magturo sa sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Ano’t nangyari
sa kanya ang lahat ng ito? Saan kaya galing ang karunungang ito na ipinagkaloob
sa kanya, at saan din kaya galing ang mga himalang ito na nagagawa ng kanyang
mga kamay? Di ba’t siya ang karpintero? Ang anak ni Maria at kapatid nina
Jaime, Jose, Simon at Judas? Hindi ba’t narito sa piling natin ang lahat niyang
kapatid na babae?” At bulag sila tungkol sa kanya.
4 Sinabi naman sa kanila ni Jesus:
“Sa kanyang sariling bayan lamang, sa sariling kamag-anakan at sambahayan
hinahamak ang isang propeta.” 5 At hindi niya nakayang gumawa ng himala
roon. Ilang maysakit lamang ang pinagaling niya sa pagpapatong ng kamay.
6 At namangha siya sa kawalan nila ng paniniwala.
No comments:
Post a Comment