20 Nilapitan naman siya mula sa likuran ng isang babaeng labindalawang taon nang dinudugo, at hinipo nito ang laylayan ng damit ni Jesus. 21 Sapagkat naisip niya: “Kung mahihipo ko lamang ang laylayan ng kanyang damit, gagaling na ako.” 22 Lumingon naman si Jesus, nakita niya siya at sinabi: “Lakasan mo ang iyong loob, anak ko, pinagaling ka ng iyong pananalig.” At gumaling ang babae sa sandaling iyon.
23 Pagdating
ni Jesus sa bahay ng pangulo, nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta at ang
maraming taong nagkakaingay. 24 At sinabi niya: “Umalis kayo! Hindi patay
ang dalagita kundi tulog.” Pinagtawanan nila siya. 25 Ngunit pagkaalis ng
mga tao, pumasok siya, hinawakan ang bata sa kamay at bumangon ito. 26 Lumaganap
ang balitang ito sa buong lupaing iyon.
No comments:
Post a Comment