9 Sinabi ni Jesus ang talinhagang
ito tungkol sa ilang taong kumbinsido na mabuti sila at minamata naman ang iba:
10 “Dalawang tao ang umakyat sa Templo para manalangin: Pariseo ang
isa at publikano naman ang isa pa. 11 Nakatayong nananalanging
mag-isa ang Pariseo. Sinabi niya: ‘O Diyos, salamat at hindi ako gaya ng
ibang mga tao – mga magnanakaw, mandaraya, nakikiapid, o gaya ng kolektor ng
buwis na iyan. 12 Dalawang beses akong nag-aayuno isang linggo,
nagbibigay ako ng ikapu sa lahat kong ari-arian.’
13 Nasa likuran naman ang kolektor ng
buwis at hindi man lang makatingala sa langit. Dinadagukan niya ang dibdib sa
pagsasabing ‘O Diyos, kaawaan mo ako na isang makasalanan.’
14 Sinasabi ko sa inyo na ito ang umuwing
nasa grasya ng Diyos ngunit hindi ang isa. Sapagkat ibababa ang lahat ng
nagpapakataas at itataas naman ang nagpapakababa.”
No comments:
Post a Comment