Mabuting
Balita: Mateo 5:43-48
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 43 Narinig na ninyo na
sinabi: Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. 44 Ngunit
sinasabi ko sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang mga
umuusig sa inyo. 45 Sa ganito kayo magiging mga anak ng inyong Amang nasa
langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama at mabuti, at
pinapapatak niya ang ulan sa kapwa makatarungan at di-makatarungan.
46 Kung mahal ninyo ang nagmamahal sa inyo, bakit kayo gagantimpalaan?
Di ba’t ginagawa rin ito ng mga kolektor ng buwis? 47 At kung ang mga
kapatid ninyo lamang ang inyong binabati, ano ang naiiba rito? Di ba’t ginagawa
rin ito ng mga pagano?
48 Kaya maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang
nasa langit.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment