Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad sinasabi ko sa inyo na kung hindi
mas ganap ang inyong kabanalan kaysa sa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi
kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit.
21 Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: Huwag kang
papatay; ang sinumang pumatay ay lilitisin. 22 Sinasabi ko naman sa inyo:
Ang sinumang magalit sa kanyang kapatid ay lilitisin. Ang sinumang manuya sa
kanyang kapatid ay lilitisin sa Sanggunian. At ang sinumang manghiya sa
kanyang kapatid ay nararapat lamang itapon sa apoy ng impiyerno.
23 Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong
may reklamo sa iyo ang kapatid mo, 24 iwan mo muna ang iyong hain sa harap
ng altar at puntahan mo ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At
saka ka bumalik at ialay ang iyong hain sa Diyos.
25 Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa
hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa
pulisya na magkukulong sa iyo. 26 Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka
makalalabas hangga’t di mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment