Mabuting
Balita: Lucas 10:21-24
21 Nang sandaling iyo’y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si
Jesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil
inilihim mo ang mga bagay na ito sa
marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging
kalugud-lugod ito sa iyo. 22 Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang
lahat. Walang nakakakilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang
Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.”
23 Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa mga alagad at sinabi sa
kanila nang sarilinan: “Mapalad ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita.
24 Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang
inyong nakikita pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig pero
hindi nila narinig.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment