Monday, August 12, 2024

Ang Mabuting Balita Martes Agosto 13 Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 18:1-5, 10, 12-14


Mabuting Balita: Mateo 18:1-5, 10, 12-14
Nang mga sandaling iyo'y lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, "Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?" Tinawag ni Jesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, "Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago, at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa pinaghaharian ng Diyos.  

Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap." Ingatan ninyo na huwag ninyong hamakin ang isa sa mga maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama. "Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may isang sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon?  

Hindi kaya niya iiwan ang siyanmnapu't siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw? Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. Gayon din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito." 

No comments: