5 Pakitang-tao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawit sa kanilang balabal. 6 Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga piging at sa sinagoga. 7 Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao.
8 Huwag
kayong patawag na guro sapagkat iisa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid
kayong lahat. 9 Huwag din ninyong tawaging ama ang sinuman sa mundo sapagkat
iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. 10 Huwag din kayong patawag na
gabay sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. 11 Maging alipin
ninyo ang pinakadakila sa inyo. 12 Sapagkat ibababa ang nagpapakataas at
itataas ang nagpapakababa.
No comments:
Post a Comment