43 Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? 44 Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. 45 Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.” 46 At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon 47 at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas 48 dahil isinaalang-alang niya ang abang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. 49 Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan.
50 Patuloy
ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya.
51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong
may mapagmataas na balak. 52 Pinatalsik niya sa luklukan ang mga
makapangyarihan, itinampok naman ang mga bale-wala. 53 Binusog niya ng
mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman.
54 Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang kanyang awa
55ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan
magpakailanman.” 56 Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni
Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.
No comments:
Post a Comment