5 Kaya tinanong siya ng mga Pariseo
at mga guro ng Batas: “Bakit hindi isinasabuhay ng iyong mga alagad ang tradisyon
ng mga ninuno? Hindi nga sila naghuhugas ng kamay bago kumain.”
6 At sinabi sa kanila ni Jesus: “Tama ang propesiya ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagkunwari. Nasusulat na “Pinararangalan ako ng mga ito sa kanilang labi, at malayo naman sa akin ang kanilang mga puso. 7 Walang silbi ang kanilang pagsamba sa akin at kautusan lamang ng tao ang kanilang itinuturo.”
8 Pinabayaan nga ninyo ang utos ng
Diyos para itatag ang tradisyon ng mga tao.” 9 At sinabi ni Jesus:
“Mahusay na pinawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos para tuparin ang inyong
tradisyon. 10 Sinabi nga ni Moises: ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’,
at ‘patayin ang sinumang sumumpa sa kanyang ama o ina.’ 11 Ngunit ayon sa
inyo, masasabi ninuman sa kanyang ama o ina, “Inilaan ko na para sa Templo ang
maaasahan ninyo sa akin.” 12 At hindi na ninyo siya pinapayagang tumulong
sa kanyang ama o ina. 13 Kaya pinawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos
sa tulong ng sarili ninyong tradisyon. At marami pa ang mga ginagawa ninyong
ganito.”
No comments:
Post a Comment