Friday, February 05, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 5 Biyernes Santa Agata, dalaga at martir (Paggunita): Marcos 6:14-29


Mabuting Balita: Marcos 6:14-29
14 Nabalitaan din ni Haring Herodes ang tungkol kay Jesus sapagkat tumanyag na ang kanyang pangalan. May nag­sasabing nabuhay si Juan Bautista mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapang­yarihan. 15 Si­nabi naman ng iba: “Si Elias nga ito,” at ng iba pa: “Ito ay isang propeta gaya ng mga propeta noon.” 16 Nang mabalitaan ito ni Herodes ay sinabi niya: “Nabuhay nga sa mga patay si Juan na pinapugutan ko ng ulo.”  

17 Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at ipinakadena ito sa kulungan dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Pinakasalan ni Herodes si Herodias 18 at sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo puwe­deng kasamahin ang asawa ng iyong kapatid.” 19 Talaga ngang matindi ang galit ni Hero­dias kay Juan at gusto niya itong patayin pero hindi niya ma­gawa. 20 Iginagalang nga ni Herodes si Juan dahil itinuturing niya itong mabuti at banal na tao, kaya pinanatili niya itong buhay. Nalilito siya matapos ma­kinig kay Juan, gayunma’y gusto pa rin niyang marinig ito.  

21 At nagkaroon ng pagkakataon sa kaarawan ni Herodes nang maghanda siya para sa kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo at mahalagang tao ng Galilea. 22 Pagpasok ng anak ni Herodias, nagsayaw ito at nasiyahan naman sa kanya si Herodes at lahat ng nasa handaan. Sinabi ng hari sa dalagita: “Ibibigay ko sa iyo ang anu­mang hingin mo.” 23 At sinumpaan pa niya ang pa­ngakong ito: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo, kahit na ang kala­hati ng aking kaha­rian.” 24 Lu­mabas ang anak at tinanong ang kanyang ina: “Ano ang hihingin ko?” At sumagot naman ito: “Ang ulo ni Juan Bautista.” 25 Agad niyang pinuntahan ang hari at sinabi: “Gusto kong ibigay mo agad sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.”  

26 Nabalisa ang hari ngunit ayaw niyang tumanggi dahil sa sinumpaan niyang pangako sa harap ng mga bisita. 27 Kaya iniutos ng hari sa isa niyang guwar­diya na dalhin ang ulo ni Juan. Pinu­gutan nito si Juan sa kulu­ngan, 28 inilagay sa isang bandeha ang kanyang ulo, ibinigay sa dalaga, at ibinigay naman ito ng dalaga sa kanyang ina. 29 Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, dumating sila para kunin ang kanyang katawan at ini­libing.

No comments: