Friday, December 04, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 5, Sabado sa Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 9:35–10:1, 5A, 6-8


Mabuting Balita: Mateo  9:35–10:1, 5A, 6-8 
35 Nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, nagpapahayag ng Mabu­ting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. 36 Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lu­pay­pay na parang mga tupang walang pastol. 37 At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at ka­kaunti naman ang mga manggagawa. 38 Ida­langin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.” 

10: 1 Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at bi­nigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming  espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at ka­ram­daman. Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: 6 Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. 

7 Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ 8 Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may ketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad.

No comments: