27 Pag-alis ni Jesus sa lugar na
iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na lalaki na sumisigaw: “Anak ni
David, tulungan mo kami!” 28 Pagdating niya sa bahay, inabutan siya ng
mga bulag at sinabi ni Jesus sa kanila: “Naniniwala ba kayo na may kapangyarihan
ako para gawin ang gusto ninyong mangyari?” At sumagot sila: “Oo, Ginoo!”
29 Hinipo ni Jesus ang kanilang mga
mata at sinabi: “Mangyari sa inyo ang inyong paniwala.” 30 At nabuksan ang
kanilang mga mata. Mahigpit naman silang tinagubilinan ni Jesus: “Mag-ingat
kayo at huwag sabihin ito kanino man.” 31 Ngunit pagkaalis nila,
ipinahayag nila siya sa buong bayan.
No comments:
Post a Comment