Mabuting
Balita: Marcos 6:1-6
1Pagkaalis ni Jesus sa lugar na iyon, pumunta siya sa kanyang
bayan, kasama ng kanyang mga alagad. 2 Nang sumapit ang Araw ng
Pahinga, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Namangha silang lahat at
nagsabi: “Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito? Saan kaya galing ang karunungang
ito na ipinagkaloob sa kanya, at saan din kaya galing ang mga himalang ito na
nagagawa ng kanyang mga kamay? Di ba’t siya ang karpintero? Ang anak ni Maria
at kapatid nina Jaime, Jose, Simon at Judas? Hindi ba’t narito sa piling natin
ang lahat niyang kapatid na babae?” At bulag sila tungkol sa kanya.
4 Sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Sa kanyang sariling bayan
lamang, sa sariling kamag-anakan at sambahayan hinahamak ang isang propeta.”
5 At hindi niya nakayang gumawa ng himala roon. Ilang maysakit lamang ang
pinagaling niya sa pagpapatong ng kamay. 6 At namangha siya sa
kawalan nila ng paniniwala.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment