Monday, January 13, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Enero 17, Biyernes San Antonio, abad: Marcos 2:1-12


Mabuting Balita: Marcos 2:1-12
1 Pagkaraan ng ilang araw, pumasok si Jesus sa Capernaum. Nang maba­litang nasa bahay siya, 2 ma­rami ang nagtipon doon kaya wala nang lugar kahit sa may pintuan. At ipinahayag niya ang Salita. 3 May mga tao namang duma­ting at dinala sa kanya ang isang parali­tiko, na buhat-buhat ng apat.

4 At nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, inalis nila ang mga tisa ng terasang nasa ibabaw ng kinaroroonan ni Jesus at pagka­bukas nila nito, inihugos nila ang pa­ralitiko na nasa higaan. 5 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Anak! Pinatawad na ang iyong mga kasa­lanan.”

6 May ilang guro ng Batas naman na nakaupo roon at inisip nila: 7 “Ano itong sinasabi niya? Talagang iniinsulto niya ang Diyos. Sino ba ang may kapang­yari­hang magpatawad ng mga kasa­lanan? Di ba’t ang Diyos lamang?” 8 At agad na nalaman ni Jesus sa kan­yang espiritu na ganoon ang kani­lang mga niloloob na kaisipan. Kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito?

9 Ano ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka, kunin ang iyong higaan at lumakad’? 10 Dapat ninyong malaman na sa lupa ay may kapang­yarihan ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasa­lanan.”

At sinabi niya sa paralitiko: 11 “Ini­uutos ko sa iyo: bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” 12 At bumangon nga ang tao, agad na kinu­ha ang higaan at lumabas na nakikita ng lahat. Lubhang namangha ang lahat at nagpuri sila sa Diyos sa pagsasabing “Kailanma’y hindi pa kami nakakakita ng ganito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: