Mabuting
Balita: Marcos 1:29-39
29 Pagkaalis niya sa sinagoga, tumuloy si Jesus sa bahay nina Pedro
at Andres, kasama sina Jaime at Juan. 30 Doo’y nakahiga ang biyenan ni
Pedro at may lagnat, at agad nila itong sinabi kay Jesus. 31 Kaya lumapit
siya, hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito
mismo ang naglingkod sa kanila.
32 Pagkalubog ng araw, nang dumidilim na, dinala nila kay Jesus
ang lahat ng maysakit o inaalihan ng masasamang espiritu. 33 Nasa may
pintuan nga ang buong bayan. 34 Maraming may iba’t ibang sakit ang
pinagaling ni Jesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas; ngunit hindi
niya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino siya.
• 35 Kinabukasan, maaga siyang bumangon at umalis. Pumunta
siya sa isang ilang na lugar at doon siya nanalangin. 36 Hinanap siya
nina Pedro, 37 at pagkakita sa kanya ay kanilang sinabi: “Hinahanap ka
ng lahat.” 38 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Tayo na sa ibang lugar, sa
maliliit na karatig-nayon para makapangaral din ako roon; dahil dito kaya nga
ako lumabas.”
39 At naglibot siyang nangangaral sa kanilang mga sinagoga sa buong
Galilea at nagpapalayas ng mga demonyo.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment