Mabuting
Balita: Mateo 1:1-17
1 Ito ang libro ng pinagmulan ni Jesucristo, anak ni David at anak
ni Abraham. 2 Si Abraham ang ama ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, si
Jacob ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. 3 Si Juda ang ama nina
Parez at Zerah (si Tamar ang kanilang ina), si Parez ang ama ni Esron, at si
Esron ni Aram. 4 Si Aram naman ang ama ni Aminadab, si Aminadab ni
Naason, si Naason ni Salmon.
5 Si Salmon ang ama ni Boaz, at si Rahab naman ang kanyang ina. Si
Boaz ang ama ni Obed, si Ruth ang kanyang ina. Si Obed naman ang ama ni Jese. 6 Si
Jese ang ama ni David na hari. Si David ang ama ni Solomon, at ang naging
maybahay ni Urias ang kanyang ina.
7 Si Solomon ang ama ni Rehoboam na ama ni Abias, at sumunod naman ang
mga haring sina Asa, 8 Yosafat, Yoram, Ocias, 9 Yoatan, Ahaz,
Ezekias, 10 Manases, Amon at Yosias. 11 Si Yosias ang ama ni
Yekonias at ng kanyang mga kapatid, sa panahon ng pagkatapon sa Babilonia. 12 Pagkatapos
naman ng pagkatapon sa Babilonia – si Yekonias ang ama ni Salatiel na ama ni
Zorobabel.
13 Si Zorobabel ang ama ni Abiud, si Abiud ni Eliakim, at si
Eliakim ni Azor. 14 Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ni Akim, at si Akim
ni Eliud. 15 Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ni Matan at si Matan
ni Jacob. 16 Si Jacob ang ama ni Jose – ang asawa ni Maria na siyang
pinagmulan ni Jesus na tinawag na Kristo. 17 Kaya may labing-apat na
salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David at labing-apat mula kay David
hanggang sa pagkatapon sa Babilonia at labing-apat din hanggang sa Kristo.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment