Quotations:

I am with you always until the end of this world - Jesus (Matthew 28:20).

Preach the Word in season and out of season reproving, rebuking or advising always with patience and providing instructions (2 Timothy 4:2).

Preach the gospel at all times use words if necessary. - St. Francis of Asisi

Anything worth doing is worth doing poorly. - G. K. Chesterton

Forgive my many grammatical and punctuation mistakes :). - mjdasma

Monday, July 30, 2012

My Reflections for Wednesday August 1, Saint Alphonsus Liguori, bishop and doctor Matthew 13:44-46


Gospel:
Jesus said to his disciples: "The Kingdom of heaven is like a treasure buried in a field, which a person finds and hides again, and out of joy goes and sells all that he has and buys that field.
Again, the Kingdom of heaven is like a merchant searching for fine pearls. When he finds a pearl of great price, he goes and sells all that he has and buys it."
+ + + + + + +
My Reflections:
Jesus depicts His kingdom as treasure and pearl that whoever will find it will give up everything just to have it. Indeed, the kingdom of God is a priceless treasure and pearl that we must all desire very hard to possess. For what it will do us if we have treasures in this world yet we don’t have God in our lives?

The riches of this world are all passing and temporary we will leave it all somewhere along the path of our lives. Whether we like it or not we have to leave everything that we have in this world. So who will remain without end?   The one that will forever be there for us is God; the one that shall bring us to heaven is God. These temporary things that presently surround us will not be able to bring us to our eternal heavenly destination. It’s only through God that we will be able to go to heaven.

In our gospel, the person found the true treasure of life that is Jesus; he willingly gave-up everything just to have Him. The same also with the merchant when he found the true pearl of his life that is Jesus he sold everything in his possessions so that he could possess the greatest pearl that is Jesus. Many saints have done this too, they gave-up everything just to have Jesus. 

Let us not yield Jesus for the temporary and sometimes immoral enjoyment of this world. For what is inside this world is temporary and passing.

But our treasure and pearl that is Jesus will forever be there for us. …

Ang aking repleksyon para sa Miyerkules Agosto 1, San Alfonso Maria Liguorio, obispo at pantas ng Simbahan; Mateo 13:44-46

Mabuting Balita:
44 "Ang kaharian ng langit ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao ngunit agad itong tinabunan. Tuwang-tuwa siyang umalis at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-arian upang bilhin ang bukid na iyon."

45 "Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang negosyante na naghahanap ng mga mamahaling perlas. 46 Nang makakita siya ng isang perlas na napakahalaga, umuwi siya't ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon."
+ + + + + + +
Ang Aking Repleksyon:
Inihahambing po ni Jesus and kanyang kaharian bilang kayamanan at perlas na sinuman ang makasumpung ay iiwan ang lahat para makamtam lamang ito. Talaga namang ang kaharian ng Diyos ay parang isang walang katulad na kayamanan at perlas na dapat ay atin ring hangarin mapasaatin. Dahil ano po ba ang mapapala natin kung nasa atin ang lahat ng kayaman ng mundong ito ngunit wala naman si Jesus sa ating mga buhay.

Ang kayamanan ng mundo ay lumilipas at darating ang panahon na iiwan din tayo niyan o dili kaya ay iiwanan din natin ito. Gustuhin man natin o hindi ay iiwan natin ang kayamanan natin sa mundong ito. Sino  ang palaging nasa atin? Ang panghabangbuhay na palaging nasa atin ay si Jesus, ang mag dadala sa atin sa langit ay walang iba kundi si Jesus. Ang mga kayamanan natin  ngayon ay hindi magdadala sa atin sa langit. Walang iba kundi ang Diyos lamang.

Sa ating ebanghelyo ay nasumpugan ng tao ang totoong kayamanan ng buhay na walang iba kundi si Jesus. Ipinagbili nya ang lahat makamtam nya lamang si Jesus. Ganon din ang nangyari sa negosyante ng makita nya ang totoong perlas ng kanyang buhay na walang iba kundi si Jesus. Ganito rin po ang ginawa ng mga banal na tao iniwan nila ang lahat mapasakanila lamang si Jesus.

Huwag nating bibitawan si Jesus para lamang sa pansamantala at minsan ay immoral na kaligayahan ng mundong ito dahil ito ay lumilipas at dumaraan lamang.

Ngunit ang ating kayamanan at perlas na si Jesus ay palaging nasa atin magpakailan pa man. 

My Reflections for Tuesday July 31, St. Ignatius of Loyola, Priest Matthew 13:36-43

Gospel:
Jesus dismissed the crowds and went into the house. His disciples approached him and said, "Explain to us the parable of the weeds in the field." He said in reply, "He who sows good seed is the Son of Man, the field is the world, the good seed the children of the Kingdom. The weeds are the children of the Evil One, and the enemy who sows them is the Devil. The harvest is the end of the age, and the harvesters are angels. Just as weeds are collected and burned up with fire, so will it be at the end of the age.

The Son of Man will send his angels, and they will collect out of his Kingdom all who cause others to sin and all evildoers. They will throw them into the fiery furnace, where there will be wailing and grinding of teeth. Then the righteous will shine like the sun in the Kingdom of their Father. Whoever has ears ought to hear."
+ + + + + + +
My Reflections:
A sinful man suddenly died he was therefore immediately ushered by the devil to his fiery kingdom. The sinful man was wailing and resisting his instant enrollment to satan’s den but he couldn’t do anything to change his destiny. If only he repented from his sinfulness, if only he listened to the advice of his relatives to change for the better and embrace God.

There are two opposing powers in this world one is God and the other is the evil one. God sows good seeds to us the evil one sows weeds. From our conception until our birth God has only one desire for us and that is to sow His good seeds. However, as we mature the evil one will try to overpower us with his many evil inducements that will only result to our perdition and safe passage to horrifying kingdom.

Let us hate sin or any action that will make us sin, let us hate satan and his countless enticements. Let us rather embrace God and follow the way of Jesus to heaven. …

Ang aking repleksyon para sa Martes Hulyo 31, San Ignacio de Loyola, pari Mateo 13:36-43


Mabuting Balita:
36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, "Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid." 37            Sumagot si Jesus, "Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38   ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama.

39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41           Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!"  
+ + + + + + +
Ang Aking Repleksyon:
May isang taong makasalanan na biglang namatay kaya kaagad agad na siya ay sinundo ng demonyo para dalhin sa kanyang kaharian. Gustong kumawala ng taong makasalan sa demonyo ngunit wala na siyang magawa. Kung nakinig lamang siya sa payo ng kanyang mga kamag-anak na baguhin at iwanan na ang kanyang buhay makasalanan, pero hindi siya nakinig.

May dalawang magkaibang kapangyarihan dito sa mundo, ang isa ay ang Diyos at ang isa naman ay ang diyablo o dimonyo. Ang Diyos ay ang nag hahasik ng mabubuting binhi sa atin ang diyablo naman ay nag hahasik ng damo. Mula ng tayo ay ipinanganak ay iisa lamang ang gusto ng Diyos sa atin at iyan ay walang iba kundi ang ihasik ang mabubuting binhi sa atin.

Pero habang tayo ay tumatanda ang diyablo ay susubok at susubok na tayo ay sumunod sa kanya. at ito ay sa pamamagitan ng pag hahasik ng damo ng kamunduhan na pilit na tutukso at magdadala sa atin sa kasalanan.

Palagi po nating iwaksi ang kasalanan o anumang gawaing magdadala sa atin sa kasalanan. Kamuhian natin ang diyablo bagkus ay yakapin natin ang Diyos at sumunod tayo sa daan ni Jesus patungong lagit. …



Saturday, July 28, 2012

My Reflections for Sunday July 29, Seventeenth Sunday in Ordinary Time, John 6:1-15

Gospel:
Jesus went across the Sea of Galilee. A large crowd followed him, because they saw the signs he was performing on the sick. Jesus went up on the mountain, and there he sat down with his disciples. The Jewish feast of Passover was near. When Jesus raised his eyes and saw that a large crowd was coming to him, he said to Philip, "Where can we buy enough food for them to eat?" He said this to test him, because he himself knew what he was going to do. Philip answered him, "Two hundred days?' wages worth of food would not be enough for each of them to have a little.'" One of his disciples, Andrew, the brother of Simon Peter, said to him, "There is a boy here who has five barley loaves and two fish; but what good are these for so many?" Jesus said, "Have the people recline." Now there was a great deal of grass in that place. 

So the men reclined, about five thousand in number. Then Jesus took the loaves, gave thanks, and distributed them to those who were reclining, and also as much of the fish as they wanted. When they had had their fill, he said to his disciples, "Gather the fragments left over, so that nothing will be wasted." So they collected them, and filled twelve wicker baskets with fragments from the five barley loaves that had been more than they could eat. When the people saw the sign he had done, they said, "This is truly the Prophet, the one who is to come into the world." Since Jesus knew that they were going to come and carry him off.  to make him king, he withdrew again to the mountain alone.
+ + + + + + +

My Reflections:
A man of faith would always say, everything is possible with God but a man who has no faith would fail to see the infinite power of God. 

In our first reading we read about the prophet Elisha, the man of God who has twenty barley loaves. Elisha told his servant to give the loaves to the people to eat but his servant objected because his mind was being ruled by his doubt and lack of faith: Therefore the servant said to Elisha: "How can I set this before a hundred people?" But Elisha the man of faith insisted and out of the twenty barley loaves made from the first fruits he was able to feed the hundred people. And there was still some leftover.

In our gospel a similar event occurred, Jesus the son of God saw the large crowd who was after Him. Jesus tested the faith of Philip by saying to him, “Where can we buy enough food for them to eat?” Philip answered him, "Two hundred days?' wages worth of food would not be enough for each of them to have a little.'" With his negative reply Philip failed his own test of faith.

Soon after, Philip saw the miracle of the loaves and fish before his very eyes. With five barley loaves and two fish Jesus nourished the famished five thousand people and they had twelve wicker baskets with fragments to spare.     

In our discipleship with Jesus we must always be reminded to walk by our faith and not by our sight. If we desire for something that is noble and worthy and we think that it’s very impossible for us to achieve it. Let us reflect on it and let us check our faith meter it may be very low already if this is so, let us pray to Jesus for the grace of increase of faith.

Let us not forget that Jesus fed the five thousand with five barley loaves and two fish. …

Ang aking repleksyon para sa Linggo Hulyo 29 Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15

 Mabuting Balita:
1 Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. 2 Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang pagpapagaling niya sa mga maysakit. 3 Umakyat si Jesus sa bundok kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. 4 Noon ay malapit na ang Paskwa ng mga Judio. 5 Tumanaw si Jesus at nang makita niyang dumarating ang napakaraming tao, tinanong niya si Felipe, Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito? 6 Sinabi niya iyon upang subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin. 7 Sumagot naman si Felipe, Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak ng tinapay ay di sasapat para makakain sila nang tigkakaunti.

Sinabi ni Andres na isa sa kanyang mga alagad at kapatid ni Simon Pedro, 9 Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay at dalawang isda. Subalit sasapat kaya ang mga ito? Paupuin ninyo ang mga tao, sabi ni Jesus. Madamo sa lugar na iyon. Umupo nga ang lahat, humigit-kumulang sa limanlibo ang mga lalaki. 11 Kinuha ni Jesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi iyon sa mga tao. Gayundin ang ginawa niya sa isda. Nakakain ang lahat at nabusog. 12  Nang makakain na ang mga tao, sinabi ni Jesus sa mga alagad, Ipunin ninyo ang lumabis nang di masayang. 13  Ganoon nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang kaing.

Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Jesus, sinabi nila, Tunay na ito ang Propetang paparito sa sanlibutan! 15 Nahalata ni Jesus na lalapit ang mga tao at pipilitin siyang gawing hari, kaya't umalis siyang muli at mag-isang umakyat sa bundok.        
+ + + + + + +

Ang Aking Repleksyon:
Ang isang taong malakas ang pananampalataya ay laging mag sasabi na lahat ay posible sa Diyos. Pero ang taong walang pananampalataya ay hindi maniniwala na kayang gawin ng Diyos ang imposible.  

Sa ating pong unang pagbasa ay makikita natin si propeta Eliseo isang taong maka Diyos na meroong dalawampung tinapay. Sinabi ni Eliseo sa kanyang mga katulong, ihain ninyo iyan sa mga tao ngunit wala silang pananampalataya kaya sinabi nila, hindi ito magkakasya sa isang daang tao. Pero iniutos uli ni Eliseo, ihain ninyo iyan sa mga tao at inihain nga ng mga katulong at lahat ng isang daang tao ay nakakain at marami pa ang natira.

Sa ating pong ebanghelyo ay mayroon ding katulad na nangyari, nakita ni Jesus ang napakaraming mga tao na sumusunod sa kanya. Kaya sinubukan niya si Felipe sa pamamagitan ng pag tatanong ng ganito: Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito? Kaya sumagot naman si Felipe, Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak ng tinapay ay di sasapat para makakain sila nang tigkakaunti. Dahil sa kanyang maling pag sagot ay hindi nakapasa si Felipe sa pag subok sa kanyang pananampalataya. 

At ilang sandali pa ay nangyari na nga ang milagro ng pagpapakain sa limang libong tao sa pamamagitan lamang ng limang tinapay at dalawang isda. Nabusog silang lahat at may natira pang labingdalawang kaing na sobra.

Sa ating pag sunod kay Jesus ay palagi tayong pinaaalalahanan na palagi nating panghawakan ang ating matibay na pananampalataya. Na hindi naka ugnay sa ating lamang nakikita bagkus ito  ay naka ugat sa ating malalim na pananampalataya kay Jesus. Kung tayo ay may gustong gawin na maganda at karapatdapat sa mata ng Diyos subalit tayo ay nag dududa. Maari tayong mag reflect at tingnan ang tibay ng ating pananampalataya kay Jesus baka ito ay marupok na. Pag ganon na nga na mahina na ang ating pananampalataya tayo ay magdasal sa Poong maykapal na palakasin ang ating pananampalataya sa kanya.

Huwag nating kalilimutan na pinakain ni Jesus ang limang libong katao sa pamamagitan lamang ng limang tinapay at dalawang isda. … 

Wednesday, July 25, 2012

My Reflections for Friday July 27, Sixteenth Week in Ordinary Time Matthew 13:18-23

Gospel:
Jesus said to his disciples: "Hear the parable of the sower. The seed sown on the path is the one who hears the word of the Kingdom without understanding it, and the Evil One comes and steals away what was sown in his heart. The seed sown on rocky ground is the one who hears the word and receives it at once with joy. But he has no root and lasts only for a time. When some tribulation or persecution comes because of the word, he immediately falls away. The seed sown among thorns is the one who hears the word, but then worldly anxiety and the lure of riches choke the word and it bears no fruit. But the seed sown on rich soil is the one who hears the word and understands it, who indeed bears fruit and yields a hundred or sixty or thirtyfold."
+ + + + + + +
My Reflections:
How do we respond to the words of God when we encounter it? Do we take time to ponder and reflect on it even for a short time?

We understand that we are always busy but we must not let this busyness take us completely out away from God. We must allocate some of our precious time for God otherwise we might become walking beings that is totally enslaved by this world. Walking being that is entirely at the mercy of power, riches, flesh and other worldly undertakings that is attractively sugar coated so that it could completely veer us away from God.

Jesus’ wants to be the rich soil at all times (to hear the word, understand it and live it) that’s why He gives us people that will introduce and guide us to God. But some do not even care to listen, some do care to listen but after a while they forget it, some listens and they remember but they forget to practice it in their daily life.

What Jesus wants from us is to hear the world of God, to reflect upon it and to apply it in our daily lives.  By doing so we now become the seed that was sown on the rich soil which bore fruit and yielded a hundred or sixty or thirtyfold.

Let us  therefore take time to listen and reflect on the worlds of God in the bible. ... 

Tuesday, July 24, 2012

My Reflections for Tuesday July 24, Sixteenth Week in Ordinary Time Matthew 12:46-50


Gospel:
While Jesus was speaking to the crowds, his mother and his brothers appeared outside, wishing to speak with him. Someone told him, "Your mother and your brothers are standing outside, asking to speak with you." But he said in reply to the one who told him, "Who is my mother? Who are my brothers?" And stretching out his hand toward his disciples, he said, "Here are my mother and my brothers. For whoever does the will of my heavenly Father is my brother, and sister, and mother."
+ + + + + + +
My Reflections:
There’s a story of a man who badly wanted to be close to Jesus so he went to a wise man and he asked for his counsel on what he must do to achieve his desire. The wise man told him to do good all the time, to help and extend love to everyone without expecting something in return. He followed the wise advice without question and true enough he found closeness with Jesus.
 
Closeness with Jesus is something that is always within our reach, it’s always there for us to take. Yet closeness with Jesus also requires us to follow His devotion to the will of God the Father for Him. We must do this also if we want to be close to Jesus and be called Jesus’ brother, sister and mother.

We must also desire to be called Jesus’ brother, sister and mother.

Ang aking repleksyon para sa Martes Hulyo 24 Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon, Mateo 12:46-50


Mabuting Balita:                         
46 Habang si Jesus ay nangangaral, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas ng sinagoga dahil nais nila siyang makausap. May nagsabi kay Jesus, "Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Ibig nila kayong makausap." a 48       Ngunit sinabi niya, "Sino ang aking ina at sinu-sino ang aking mga kapatid?" 49                                    Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, "Sila ang aking ina at mga kapatid. 50  Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit, iyon ang aking ina at mga kapatid."
+ + + + + + +
Ang Aking Repleksyon:
Mayroong kuwento tungkol sa isang taong gustong gustong mapalapit kay Jesus. Kaya nag punta siya sa isang ermetanyo o matalinong tao at tinanong niya kung ano ba ang dapat niyang gawin para mapalapit siya kay  Jesus. Sabi ng matalinong tao sa kanya: Gumawa ka palagi ng mabuti at palagi kang magbigay ng tulong at pag-ibig sa iyong kapwa na walang hinihinging kapalit. Sinunod niya  ito at naging totoo nga na siya ay naging malapit ng lubusan kay Jesus.

Ang pagiging malapit kay Jesus ay  isang bagay na abot kamay din natin pero meroon din itong hinihingi sa atin. At ito ay ang sundan si Jesus sa kanyang pagiging masunurin sa kanyang Ama sa langit. Kaya dapat hangarin natin na sumunod din sa Diyos para tayo ay matawag din ina at kapatid ni Jesus.

Dapat ay hangarin rin natin na tawagin tayong Ina at kapatid ni Jesus.  

Sunday, July 22, 2012

Ang aking repleksyon para sa Lunes Hulyo 23 Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon, Mateo 12:38-42


Mabuting Balita:                         
38 Sinabi naman sa kanya ng ilang tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, "Guro, maaari po bang magpakita kayo sa amin ng isang palatandaan?" 39       Sumagot si Jesus, "Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap kayo ng palatandaan ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Propeta Jonas. 40                                        Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabi ring nasa libingan. 41 Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo ang mga taga-Nineve at sasaksi laban sa lahing ito, sapagkat nagsisi sila matapos pangaralan ni Jonas. Ngunit higit pa kay Jonas ang naririto. 42 Sa araw na iyon, sasaksi rin ang Reyna ng Sheba laban sa lahing ito. Naglakbay siya mula pa sa dulo ng daigdig upang masaksihan ang karunungan ni Solomon, ngunit higit pa kay Solomon ang naririto ngayon!"
+ + + + + + +
Ang Aking Repleksyon:
May isang dalaga na nasa edad na trenta y sinko (35) na may na pupusuang lalaki na kanyang maging boyfriend. Pero siya ay hindi sigurado kung talaga bang siya na ang para sa kanya. Kaya Sinabi niya kailagan ko ng palatandaan kung siya na nga, kailagan ko makakita ng isang puting paro paro para sagutin ko siya.

Marahil ay marami sa atin ang humihingi ng palatandaan kay Jesus para makasigurado sa ating mga gagawing mga desisyon. Pero hindi na kailagan ang anumang palatandaaan ang kailagan lang natin ay ang ating matatag na pananampalataya kay Jesus. Sapat na sapat na ang ating matibay na pananampalataya kay Jesus para tayo ay maka pag desisyong ng tama sa ating buhay.

Palagi po tayong mag tiwala kay Jesus, pag sumikapan po natin na mas makilala pa siya sa pamamagitan ng pag babasa ng ating Biblia. Sa pamamagitan ng ating palaging pag bibisita sa kanya sa Adoration chapel at higit sa lahat ay sa pamamagitan ng ating palagiang taimtim na pag sisimba sa Banal na Misa.


Friday, July 20, 2012

My Reflections for Sunday July 22, Sixteenth Sunday in Ordinary Time Mark 6:30-34

Gospel:
The apostles gathered together with Jesus and reported all they had done and taught. He said to them, "Come away by yourselves to a deserted place and rest a while." People were coming and going in great numbers, and they had no opportunity even to eat. So they went off in the boat by themselves to a deserted place. People saw them leaving and many came to know about it. They hastened there on foot from all the towns and arrived at the place before them. When he disembarked and saw the vast crowd, his heart was moved with pity for them, for they were like sheep without a shepherd; and he began to teach them many things.
+ + + + + + +

My Reflections:
To whom can we compare Jesus in this world?

We can somehow compare Jesus to our parents. Try recalling how patient our parents were in teaching us the basics about life. Try recalling how hard they’ve tried to provide the very best for us. Try recalling the many family bondings that they’ve planned to further strengthen your family’s union. Try to recall the countless shepherding or guiding moments that we’ve received from them. And try to recall when they comfort and motivate us when we were feeling weary and tired.   

In essence Jesus is like a parent to the apostles and to those who followed Him He was a unifying factor for them. He motivated them, He bonded with them, He guided them, He healed them, He empathized with them and most of all He was a good shepherd to them.

In our gospel, after doing their mission and after telling Jesus what they have done the apostles were naturally exhausted. Jesus told them to go to a deserted place to rest for a while to recharge their weary bodies and minds. Perhaps Jesus also wanted to give an inspirational talk to His apostles so that He could further strengthen their resolve to continue their mission. Isn’t this what worthy parents would normally do the moment they see their children tired and weary from doing something commendable and important?  

Finally when Jesus arrived on the supposed to be deserted place the vast crowd who have been following Him were already there waiting for Him. Instead of telling  them to go away because He wants privacy He was moved with pity for them for they were like sheep without a shepherd and being a good shepherd himself Jesus began to teach them many things.

The shepherding that Jesus gave to His apostles and followers during that time is still very much alive up to this very moment and He is offering it to us right now. If we are tired and weary with the challenges and burdens of life let us go to Jesus for He will always be there to tell us to come let us go to a quite place and let us rest there for I (Jesus) will be there to shepherd and strengthen you. 

We have in Jesus the personification of a good parent and shepherd who has nothing but the very best for us. Let us always go to Him let us always desire to be with Him.

Ang aking repleksyon para sa Linggo Hulyo 22 Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon, Marcos 6:30-34


Mabuting Balita:                         
30 Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. 31 Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, "Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti." 32 Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang ilang na lugar.

33 Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakaalam kung saan sila pupunta. Kaya't ang mga tao mula sa lahat ng bayan ay patakbong pumunta sa lugar na iyon at naunahan pa nila sila Jesus. 34        Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya't sila'y tinuruan niya ng maraming bagay.
+ + + + + + + 

Ang Aking Repleksyon:
Kanino po ba natin pwedeng ihambing si Jesus dito sa mundo?

Maari nating ma i hambing si Jesus sa ating mga magulang, subukan nating alalahanin kung paano nila tayo boung pag mamahal na tinuruan ng mga mabubuting asal. Subukan nating alalahanin kung paano sila nag sumikap para lamang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Subukan nating alalahanin ang maraming mga outings para mas mapatatag pa ang pamilya. At Subukan nating alalahanin kung paano nila tayo inaalalayan at tinutulugan pag tayo ay pagod na pagod na sa ating mga ginagawa. 

Sa madaling salita si Jesus ay parang magulang sa mga apostol at sa mga tapat na sumusunod sa kanya siya ang nag bibigkis sa kanila. Binigyan  sila ni Jesus ng inspirasyon, nakikipag bonding si Jesus sa kanila, ginagamot sila ni Jesus. Nakikipag dalamhati siya sa kanila at higit sa lahat siya ay isang mabuting pastol sa kanila.

Sa ating pong ebanghelyo, pagkatapos mag misyon at pagkatapos nilang mag ulat kay  Jesus tungkol sa kanilang mga ginawa sila ay natural na pagod na pagod. Kaya pinayuhan sila ni Jesus na magpunta sa tahimik na lugar para makapag pahinga at mag karoon sila ng self reflection kaugnay ng kanilang ginawagang pag mi misyon. Marahil ay gusto rin ni Jesus na bigyan sila ng maikling recollection para mas patatagin pa sila na ipag patuloy ang kanilang magandang ginagawang pag papahayag ng mga salita ng Diyos. Hindi po ba ay ganito rin ang ginawaga ng isang mabuting magulang pag nakita niya na pagod na pagod na ang kaniyang mga anak?

Nang dumating si Jesus sa lugar kung saan sila dapat mag papahinga ang napakaraming mga tao na sumusunod sa kanila ay naroon na at nag hihintay na sa kanya. Imbes na itaboy sila ni Jesus siya ay naawa pa sa kanila dahil sila ay parang mga tupang walang pastol. At dahil si Jesus ay ang mabuting pastol sila’y tinuruan niya ng maraming bagay.

Ang pag papastol na ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga apostol at taga sunod ay buhay na buhay parin magpahangang sa mga oras na ito. At ito ay gustong gusto ni Jesus na ipadama rin sa atin, tayo na pagod na pagod sa araw araw na hamon ng ating mga buhay. Tayo na pagod na pagod na rin sa mga problemang ating hinaharap. Gusto rin ni Jesus na sabihin sa atin na halikayo pumunta tayo sa tahimik na lugar mag pahinga tayo roon dahil ako ay naroon para ipastol kayo at bigyan kayo ng lakas para mas matatag niyong maharap ang mga hamon  sa inyong mga buhay.

Si Jesus ay ang ating magulang at atin ring mabuting pastol na walang ibang hangad kundi ang ang ating kabutihan. Palagi tayong lumapit sa kanya at palagi nating hangarin ang makipag ugnay sa kaniya. ...

Monday, July 16, 2012

Ang aking repleksyon para sa Miyerkules Hulyo 18 Ika-15 ng taon, Mateo 11:25-27

Mabuting Balita:                         
25Nang panahong iyo'y sinabi ni Jesus, "Ama, Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. 26 Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo.

27 "Ibinigay na sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga pinili ng Anak na pagpahayagan niya.
+ + + + + + + 
                  
Ang Aking Repleksyon:
Boung kababaang loob na nag bigay ng papuri si Jesus sa kanyang Ama, kinilala ni Jesus ang kapangyarihan ng Diyos kahit na sila ay pareho ng katayuan.

Kung ganon  ang kababaang loob ay ang ating pag papasailalim sa kapangyarihan ng Diyos at kinikilala natin ang kanyang pagiging mataas kaysa atin. Sa pamamagitan din lamang ng ating kababaang loob tayo ay makakatangap ng mga biyaya mula sa Diyos. Halimbawa po kung may hinihiling tayo mula sa Diyos  dapat ay boung kababaang loob tayong dumadalagin sa kanya. At ang Diyos na palaging dumidinig sa panalagin na may pag papakumbaba ay ibibgay sa atin ang ating kahilingan.

Hindi natin bibiguin ang isang batang boung pagpapakababang humihingi sa atin ng isang bagay, ganyan din po ang Diyos. Hindi niya rin tayo bibiguin pag tayo ay humihiling ng maykababaang loob sa kanya.

Sa lahat ng bagay tayo ay palaging magpakumbaba huwag nating titingnan ang ating sarili bilang mas mataas sa ating kapwa para mas maging kalugudlugod tayo sa mata ng Diyos at ng ating kapwa.  
  

Ang aking repleksyon para sa Martes Hulyo 17 Ika-15 ng taon, Mateo 11:20-24


Mabuting Balita:                         
20 Pagkatapos, sinumbatan ni Jesus ang mga bayang nakasaksi sa maraming himalang ginawa niya roon sapagkat hindi sila nagsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan. Sinabi niya, 21 "Kawawa kayo, mga taga-Corazin! Kawawa kayo, mga taga-Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sanang nagdamit ng sako at naupo sa abo ang mga tagaroon bilang tanda ng kanilang pagsisisi. 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay mas mabigat na parusa ang sasapitin ninyo kaysa sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. 23 At kayong mga taga-Capernaum, maaaring itaas ninyo ang inyong sarili hanggang langit ngunit ibabagsak kayo c hanggang sa daigdig ng mga patay! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, sana'y nananatili pa ang bayang iyon magpahanggang ngayon. 24 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang parusang daranasin ninyo kaysa sa mga taga-Sodoma."
+ + + + + + +  
                 
Ang Aking Repleksyon:
Si Jesus bagamat siya ay Diyos siya ay tao rin at paminsan minsan siya ay nagagalit din. Katulad na lamang ng ipinakikita sa ating ebanghelyo ng sinumbatan niya ang mga bayan ng Corazin at Bethsaida sa dahilan na ayaw nilang tumalikod at mag sisi sa kanilang mga kasalanan. Gumawa pa nga siya ng mga milagro doon para lubusan nila siyang makilala pero wa epek parin sa kanila patay malisya lang sila ay patuloy sa pagkakasala.

Aminin man natin o hindi ang iba sa atin ay para ring mga taga Corazin at Bethsaida na matititagas ang mga ulo at ayaw making kay Jesus. Oo nga tayo ay Naniniwala na may Diyos pero hangang diyan lang. Ang paniniwala ay ibang iba sa pagsasabuhay na kung saan ang nakararami sa ating ay kulang na kulang. 

Pag tapos na ang ating paglalakbay dito sa mundo   ang gusto ni Jesus ay tayo ay magiging kaisa niya sa langit. Kaya nga tayo ay palagi niyang pinaaalalahanan na iwanan na ang ating buhay makasalan pero konti lang sa atin ang nakikinig dahil mas pinahahalagahan natin ang mundo kaysa kay Jesus

Maging iba tayo sa nakararami mas mahalin natin ang Diyos kaysa sa pansamantalang mundong ito.



Sunday, July 15, 2012

Ang aking repleksyon para sa Lunes Hulyo 16, Ika-15 ng taon, Mateo 10:34-11:1


Mabuting Balita:                         
34 "Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. 35   Naparito ako upang paglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. 36         At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay.

"Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38            Ang hindi pumapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39Ang nagsisikap na mapanatili ang kanyang buhay ang siyang mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito."

"Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41                           Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa ito'y propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa ito'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya'y alagad ko, siya'y tiyak na tatanggap ng gantimpala."

Pagkatapos ng mga tagubiling ito sa kanyang labindalawang alagad, umalis si Jesus upang magturo at mangaral naman sa mga bayang malapit doon.
+ + + + + + +                   
Ang Aking Repleksyon:
May isang taong mapagbigay na kinaiingitan ng kanyang kaibigan dahil kahit siya ay palaging nag bibigay ay hindi siya nauubusan o naghihirap. Kaya ang mabuting taong ito ay tinanong ng ganito ng kanyang kaibigan: Ano ba ang sekreto mo at parang dika nauubusan ng pera? At sumagot ang mabuting taong ito ng ganito, “Wala namang sekreto patuloy lang akong nagbiibigay dahil ibinabalik din naman ng sobra sobra ng panginoon sa akin ang aking mga ibinibigay sa aking kapwa.

Anumang pong bagay na bukas loob nating ibinibigay ay babalik din sa atin. Kung hindi tayo naniniwla dito ay  pwede rin nating subukan ng kahit na isang lingo lang ay maging mapagbigay tayo at makikita natin na lahat ng bagay na ating bukas loob na ibinibigay ay bumabalik din satin sa ibat-ibang pamamaraan. 

Sinasabi sa atin ni Jesus sa ebanghelyo na anumang bagay na bukas loob nating ibinibigay ay palaging may kaukulang gantimpala mula sa kanya.

Palagi po tayong maging mapagbigay lalo na sa mga mahihirap dahil mahal ng Diyos ang mga taong palaging nagbiibigay. 

Saturday, July 14, 2012

Ang aking repleksyon para sa Linggo Hulyo 15 Ika-15 ng Karaniwang Panahon, Marcos 6:7-13

Mabuting Balita:                         
7 Tinawag niya ang Labindalawa at isinugo sila nang dala-dalawa. Sila ay binigyan niya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu, 8        at pinagbilinang, "Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdadala ng anuman, maliban sa tungkod. Huwag din kayong magdadala ng pagkain, bag, o pera.             Magsuot kayo ng sandalyas ngunit huwag kayong magdadala ng bihisan." Sinabi rin niya sa kanila, "Kapag kayo ay pinatuloy sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa inyong pag-alis sa bayang iyon. 11            Kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa, bilang babala sa mga tagaroon."

Humayo nga ang Labindalawa at nangaral na ang mga tao ay dapat magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan. 13  Pinalayas nila ang mga demonyo mula sa mga sinasapian ng mga ito; pinahiran nila ng langis ang maraming maysakit at pinagaling ang mga ito.
+ + + + + + +  
                 
Ang Aking Repleksyon:
Parte ng ating maraming karanasan bilang bata ay yung tawagin tayo at isugo o utusan ng ating mga magulang na gawin ang isang bagay. Pag ang bata ay nag-aral na ang kanya namang guro ang tatawag at magsusugo o mag uutos sa kanya.

Pagkatapos nito ang bata ay lalaki na at matatapos na ng kanyang pag aaral at marahil ay sasabihin niya ang ganito: Sa wakas ako ay tapos na rin sa karanasan na tawagin at isugo. Pero hindi parin dahil mayroon pang isang napakalakas na boses na patuloy na tatawag sa kanya at mag bibigay ng gabay  kung paano dapat siya mamumuhay ng tama.

Itong napakalakas na boses na ito ay walang iba kundi ang boses ni Jesus na patuloy na nangungusap sa atin sa pamamagitan ng simbahan. Ang boses ni Jesus na nangungusap sa atin sa pamamagitan ng isang maka Diyos na kamag-anak o kaibigan at ang boses ni Jesus na nangungusap sa atin pag tayo ay taimtim na nagbabasa ng biblia. Kung tayo po ay makikinig sa napaka makapangyarihang boses na ito ni Jesus ay makakaasa tayo ng isang makabuluhang buhay dito sa mundo.

Sa ating pong ebanghelyo ang mga apostol ay tinawag, binigyan ng kapangyarihan at binagbilinan ni Jesus pagkatapos ay isinugo na sa kanilang misyon ng dala-dalawa. Ito ang bilin ni Jesus sa kanila: "Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdadala ng anuman, maliban sa tungkod.  Huwag din kayong magdadala ng pagkain, bag, o pera. Magsuot kayo ng sandalyas ngunit huwag kayong magdadala ng bihisan." "Kapag kayo ay pinatuloy sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa inyong pag-alis sa bayang iyon.  Kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa, bilang babala sa mga tagaroon."

Sinunod ng mabuti ng mga apostol ang mga biling ito ni Jesus kaya sila ay naging matagumpay sa kanilang misyon na ipalaganap ang mga turo niya. At isa sa mga kongkretong ebedensya ng tagumpay ng kanilang pag mimisyon ay ang ating pananampalataya kay Jesus na pinanghahawakan natin ngayon sa dahilang ang mga apostol ay tumugon sa pag tawag ni Jesus at sinunod nila ay kanyang mga bilin.

Mangyayari din po ito sa atin, magiging matagumpay din po tayo sa ating mga buhay dito sa mundo (marahil ay hindi tagumpay ng pag kakaroon ng maraming pera sa dahilang ito rin naman ay lumilipas at hindi peermanente) pag pinakingan at tinugon natin ang pagtawag ni Jesus na patuloy na nangungusap sa atin hangang sa ngayon.

"Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin. (Hebreo 3:15)

My Reflections for Sunday July 15, Fifteenth Sunday in Ordinary Time Mark 6:7-13

Gospel:
Jesus summoned the Twelve and began to send them out two by two and gave them authority over unclean spirits. He instructed them to take nothing for the journey but a walking stick-- no food, no sack, no money in their belts. They were, however, to wear sandals but not a second tunic. He said to them, "Wherever you enter a house, stay there until you leave. Whatever place does not welcome you or listen to you, leave there and shake the dust off your feet in testimony against them." So they went off and preached repentance. The Twelve drove out many demons, and they anointed with oil many who were sick and cured them.
+ + + + + + +

My Reflections:
Part of the growing-up experience of a child is to be summoned and instructed by his parents to do this and that. Then as the child enters school the teacher will once again summon and give instructions to the child.

The child will now become an adult and will be through with his college studies perhaps he will tell himself: At long last! I am through from being summoned and being instructed, but not yet. There shall be a very powerful voice that will perpetually summon, tell and guide him on how we must properly live his life.

This very powerful voice is no other than the voice of Jesus who speaks to us thru the church. The voice of Jesus who speaks to us thru the voice of a Godly relative or friend. And the voice of Jesus who will speak to us the moment we read the bible with reverence.  If we will listen to this powerful voice of Jesus we would be assured of a worthy life in this world.

In our gospel the apostles were summoned, given authority and instructed by Jesus after which He sent them to their mission two by two. These were the instructions of Jesus: “Take nothing for the journey but a walking stick-- no food, no sack, no money, wear sandals, wherever you enter a house, stay there until you leave. Whatever place does not welcome you or listen to you, leave there and shake the dust off your feet in testimony against them."

The apostles faithfully followed these instructions from Jesus that’s why they were very successful with their given mission. One of the countless concrete evidence of their success is the faith that we have right now. We partly attribute the Catholic faith that we hold-on today to their faithful discipleship to Jesus. They responded to the voice of Jesus and faithfully followed His instructions.

This is what will happen to us also we will achieve fulfilment in our life (perhaps not material fulfilment it’s passing and temporary anyway). Once we faithfully respond to the many summons and instructions of Jesus who powerfully speaks to us up to this very moment.

If today you hear His voice harden not your hearts. (Hebrews 3:15)  

Thursday, July 12, 2012

Ang aking repleksyon para sa Sabado Hulyo 14 Ika-14 ng Taon, Mateo 10:24-33


Mabuting Balita:                         
24 "Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro at walang aliping nakakahigit sa kanyang panginoon. 25 Sapat nang matulad ang alagad sa kanyang guro, at ang alipin sa kanyang panginoon. Kung ang ama ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo nang lalaitin nila ang kanyang mga kasambahay."

26 "Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim ay ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinubulong sa inyo ay inyong ipagsigawan sa lansangan. 28            Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno. 29      Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. 30At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. 31 Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya."

"Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. 33 Ngunit ang sinumang ikahiya ako sa harap ng mga tao ay ipapahiya ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit."
+ + + + + + +
Ang Aking Repleksyon:
May isang lalaki na naka sentro ang buhay sa kanyang pag papayaman sa sarili na biglang na aksedente at namatay. Habang siya ay papasok sa pintuan ng langit ay sinalubong siya ni San Pedro at tinanong siya ng ganito: Meroon ka bang nagawa para kay Jesus noong ikaw ay nabubuhay pa? Ang lalaki ay hindi nakasagot sa dahilan na siya ay palaging busy sa pag papayaman ng siya ay nabubuhay pa.  

Darating din po ang panahon na matatapos rin ang ating pag lalakbay dito sa mundo. At maaring pag dumating na ang panahong yon at tatanugin rin tayo ng Diyos kung may ginawa ba tayo para kay Jesus, kung siya ba ay hindi natin ikinahiya sa ating kapwa. Paano po ba natin sasagutin si Jesus pagdating ng panahong iyon?

Habang tayo po ay nag lalakbay sa mundong ito ay dapat binibigyan natin ng pansin ang Diyos, binibigyan natin ng pansin ang pagbabahagi at pag sasabuhay sa kanya. Kung sa ngayon ay medyo malayo tayo sa Diyos tayo ay pinapaalalahanan na mas lumapit pa kay Jesus. Sapagkat ang mundo ay lilipas ngunit ang Diyos ay panghabang panahon. Hindi natin maaaring takbuhan ang ating pakikipag tagpo sa kanya pag dating ng tamang panahon.

Kaya habang tayo po ay nabubuhay pagsikapan nating ibahagi at isabuhay si Jesus sapagkat laging may gatimpala mula kay Jesus ang taong nag babahagi at nagsasabuhay sa kanyang mga pagtuturo.